Ipinakita ng aktor na si Gerald Anderson ang kaniyang kakatayo lamang na Resort sa Zambales

Abalang-abala ngayon ang aktor na si Gerald Anderson sa kanyang career bilang artista at sa kabila nga ng pinagdaanang krisis sa entertainment industry ay isa siya sa mga mapalad na nabibigyan pa rin ng mga proyekto.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram





Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Dahil dito ay mas pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho at talaga namang ginagawa ang lahat ng makakaya para mapasaya ang mga viewers. Samantala, sa kabila ng kanyang busy schedules ay hindi rin naman nakakalimutan ng aktor ang pagsisiguro na maglaan ng oras para sa kanyang personal na buhay.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Sa katunayan, sinisiguro nitong mayroon siyang oras para makapag-relax at isa sa mga paraan na kaniyang ginagawa ay ang pamamasyal sa beach. Ito ang isa sa mga paboritong libangan ni Gerald kaya naman hindi nakakapagtaka na pagdating sa negosyo at investment ay isang Beach Resort din ang pinasok niya.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Kamakailan lang ay ipinasilip nito sa publiko ang halos patapos nang beach resort na matatagpuan sa Botolan, Zambales. Tinawag niya itong Hayati Beach Resort at talaga namang hands-on sa pag-aasikaso ng lugar. Sa katunayan, halos lahat ng ideya at konsepto nito ay nanggaling sa kanya.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Mayroon itong iba’t-ibang cottage na pwedeng pang-couple, pang-barkada o pang-pamilya. Naglagay din ang aktor ng basketball court dahil isa ito sa mga paborito niyang sport at alam niyang ikakatuwa rin ng mga turista sa lugar.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram





Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Samantala, maliban sa malapit lang ito sa dagat ay mayroon ding sariling swimming pool sa loob ng resort. Siyempre hindi rin mawawala ang bar, jacuzzi at bonfire area na puwedeng-puwedeng maenjoy ng mga bisita.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Nakaka-relax rin ang buong compound dahil napapaligiran ito ng mga halaman at magagandang bulaklak. Sinigurado din ni Gerald na kahit bata ay mag-eenjoy sa pagbisita dito kaya naman nagpalagay din siya ng Mini Zoo kung saan may iba’t-ibang hayop tulad ng ibon at isda sa fish pond.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

Tuwang-tuwa nga ang mga netizen sa ginawang vlog ng aktor at halos lahat sa kanila ay gustong mapuntahan ang lugar at maranasang mag-relax sa napakagandang beach ng Zambales.


Photo Courtesy: Gerald Anderson | Instagram

“Sana nagustuhan niyo, at sana ma-experience niyo rin one day. Talagang pinaghirapan namin ‘to para sa inyo, para maging comfortable at para mag-enjoy kayong lahat. Come visit us soon!.”, panghihikayat ng aktor sa mga netizens.




Leave a Reply

Your email address will not be published.