Proud mommy ang dating singer na si Sheryn Regis sa pagtatapos ng kaniyang anak na si Lo Echiverri sa Highschool

Sa likod ng ating mga tagumpay ay mayroong isang tao na talaga namang sumusuporta at handang gawin ang lahat para matulungan tayong maabot ang ating mga pangarap. Madalas sila ang ating mga magulang o mahal sa buhay na buong pusong naniniwala sa ating mga kakayahan.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram




Ganito nga ang ipinakita ng dating singer na si Sheryn Regis sa kanyang nag-iisang anak na babaeng si Lourdes Echiverri. Anak niya ito sa dating asawa na si Earl Echiverri at sa loob ng mahabang panahon ay nanirahan sila sa Amerika. Dito na rin ipinagpatuloy ng dalaga ang kanyang pag-aaral at halos hindi na nga nakakauwi ng Pilipinas.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram

Samantala, bilang isang ina ay handa si Sheryn na ibigay sa anak ang lahat ng pangangailangan nito kaya naman ganoon nalang ang pagsusumikap niya na mabigyan si Lourdes ng maayos na buhay. Sa kabutihang palad ay pursigido rin ang dalaga na makapagtapos ng pag-aaral kaya naman super proud sa kaniya ang dating singer.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram

“Congratulations on your big day! We are so proud of you graduating with High Honors.”, caption ni Sheryn sa larawan nilang mag-ina. Hindi nga sinayang ni Lourdes ang ibinigay sa kanyang pagkakataon para makapag-aral at talaga namang sinigurado nito na hindi niya mabibigo ang kanyang Mommy na mag-isang sumusuporta sa kanya.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram




Kaya naman ginawa nito ang lahat para hindi lang makapagtapos ng high school kundi makapag-uwi rin ng medalya na alay niya sa kanyang ina. Samantala, matatandaan na matagal nang hiwalay si Sheryn sa dating asawang si Earl at makalipas ang ilang taon ay napabalitang mayroon siyang relasyon sa entrepreneur at YouTuber na si Mel de Guia.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram

Naging kontrobersyal ang balitang ito ngunit hindi naapektuhan ang singer lalo na at suportado din siya ng kanyang anak na si Lourdes. Nagbigay pa nga ng importanteng mensahe ang kaniyang anak tungkol sa kaniyang kasalukuyang karelasyon na hindi siya hadlang rito at tunay ngang suportado niya ito, binanggit niya rin ang mga katagang I love you and I’m proud of you.


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram


Photo Courtesy: Lo Echiverri | Instagram

Matatandaang nag-migrate sa Amerika si Sheryn noong taong 2010 at umuwi ng Pilipinas noong 2020. Ngayon ay magkasama sila ni Mel at suportado rin sila ng LGBTQ community.




Leave a Reply

Your email address will not be published.