Walang ibang hangad ang bawat magulang kundi ang makitang masaya ang kanilang mga anak habang lumalaki ang mga ito. Kaya naman lahat ay kinakaya nila basta masiguro lang na maibigay ang pangangailangan ng mga bata tulad nalang ng pagkakaroon ng maayos na tahanan at edukasyon.
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Ngayon nga ay panahon na naman ng pagtatapos ng mga estudyante at abot-langit ang saya ng bawat magulang dahil muli nilang makikita ang naging bunga ng paghihirap ng kanilang mga anak sa pag-aaral. Isa na sa mga ito ang celebrity mom na si Roxanne Guinoo.
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Proud na proud ang aktres sa kaniyang anak na si Reine at masaya itong makita ang anak sa stage habang tinatanggap ang kanyang certificate at medal. Saksi siya sa pagsusumikap ng bata na makatapos ng grade school at talaga namang ginagawa ang lahat ng makakaya para magkaroon ng mataas na marka at makapagpasa ng mga projects at assignments.
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
“Happy graduation to our dearest Reine..I am so proud of the person you are and how you do your best in everything.”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram post. Nagtapos si Reine ng grade school sa Saint Pedro Poveda College na matatagpuan sa Quezon City at sa loob ng mahabang taon ay pinatunayan niyang isa siya sa mga best students ng paaralan.
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Sa katunayan, nakatanggap siya ng medal bilang pagkilala sa kanyang angking talino at magandang pakikitungo sa guro at mga kaklase. Samantala, kasama ni Roxanne ang kaniyang non-showbiz partner na si Elton Yap sa espesyal na araw ng kanilang anak at matapos nga ang seremonya ay sama-sama silang kumain sa labas kasama rin ang dalawa pa nilang anak na sina Sophia at Reily.
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Photo Courtesy: Roxanne Guinoo | Instagram
Talaga namang maganda ang buhay ngayon ni Roxanne Guinoo at kahit na iniwan niya ang magandang estado ng kanyang karera bilang artista ay wala siyang pinagsisisihan. Mas gusto nga nitong maging full-time mom at alagaan ang buong pamilya lalong-lalo na ang kanyang mga anak. Naniniwala ang aktres na mahalaga ang paggabay ng mga magulang upang mahubog ng tama ang mga bata habang sila ay lumalaki.