Marahil ay iyong naitatanong kung nasaan na ngayon ang mga batikang artista na talagang nakilala at sumikat dahil sa kanilang husay at galing na gampanan ang kanilang mga role sa bawat eksena sa pelikula. Hindi alintana kung sila man ay bida o kontrabida.
Photo Source: Dindo Arroyo | Instagram
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Isa na rito si Dindo Arroyo na hinangaan at inidolo ng masa dahil sa kaniyang husay na gampanan ang kaniyang role bilang isang kontrabida sa bawat pelikula. Marami na ang kaniyang mga nagawang pelikula na kung iyong napanuod ay talaga namang pati ikaw ay maiinis sa kaniya. Nagsimula ang karera ni Dindo Arroyo nang madiskubre siya ng isa ring beteranong aktor na si Philip Salvador na siyang tumulong sa kaniya upang makapasok sa mundo ng showbiz.
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Nang pasukin ni Dindo ang pag-aartista ay isa siyang engineering student na kung saan ay naging assistant siya ng isa sa mga hinahangaan at tinitingalang artista sa mundo ng showbiz at ito ay walang iba kundi si Eddie Garcia sa pelikula nitong pinamagatang “Ikasa Mo, Ipuputok Ko”, noong taong 1990.
Photo Source: Dindo Arroyo | Instagram
Nang makitaan na siya ng natatanging galing sa pag-arte ay dito na siya binigyan ng pagkakataong makasama at makatrabaho ang lima na pinakamagagaling na aktor pagdating sa aksyon, ang the Magic 5 na kinabibilingan nina Fernando Poe Jr., Philip Salvador, Lito Lapid, Rudy Fernandez, at Bong Revilla.
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Ang hindi makakalimutang kaniyang ginawa at tumatak sa mga manunuod ay ang pagtalon nito sa helicopter na bumagsak sa umaandar na tren. Hindi lamang kontrabida ang naging role niya sa kaniyang mga naging pelikula, dahil may isang pelikula din siyang ginawa kung saan ay sinubok ang kaniyang galing pagdating sa drama nang gampanan nito ang role bilang isang ama na winakasan ang buhay ng kaniyang anak.
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Sa kabila ng kasikatan ay mas pinili ng batikang aktor na lisanin ang mundo ng showbiz at mamuhay nang simple kasama ang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakitaan siya ng doctor na may malubhang karamdaman sa atay, sa kabutihang palad ay isinagawa ang operasyon sa kaniya noong 2014 at tuluyang nakarecover.
Photo Source: Dindo Arroyo | Facebook
Talagang mapagbiro ang tadhana, taong 2009 ng yumao ang asawa ni Dindo at ang kaniyang anim na anak na lamang ang kaniyang kasama at pinanghuhugutan ng lakas. Muling lumabas sa telebisyon si Dindo nang ma-feature siya sa longest running time show ng Kapamilya Network na FPJ’s Ang Probinsiyano.