Pagmasdan ang kagandahan ni Mikaela Yllana, ang anak ng komedyanteng si Anjo Yllana

Marami na tayong nakilala na mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang mga anak ng ating mga paboritong artista. Lahat sila ay masasabi natin na maaring maging parte ng showbiz at masisigurado na magkakaroon ng magandang career at magiging sikat tulad ng kanilang mga magulang.


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram





Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram

Sa dami ng mga artista ay konti pa lamang ang ating napag-uusapan na mga anak ng artista sa kadahilan na ngayon pa lang nagsisilabasan at nagpapakilala sa publiko. Tulad na lamang ng anak ng isa sa mga sikat na komedyante na si Anjo Yllana na mayroon palang anak na ubod ng ganda. Hindi na iba sa atin si Anjo Yllana dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa.


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram

Marami na din siyang nagawang pelikula na naghatid ng maraming ngiti sa bawat Pilipino at higit sa lahat naging parte din siya ng isa sa mga long running noon time show na kilala sa tawag na “Eat Bulaga”. Sa kabila ng kanyang pagiging magaling na komedyante ay may panganay pala itong anak na ubod nang ganda.


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram

Ito ay walang iba kundi si Mikaela Yllana o kilala sa pangalanan na Mika. Naging usap-usapan at nakaw pansin ang anak ni Anjo dahil sa taglay nitong kagandahan. May tatlo pang kapatid si Mikaela at ito ay sina Jamie, Nathan at Andie at lahat sila ay nagtataglay ng katangian ng isang artista tulad ng kanilang magulang.





Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram

Sa kabila ng pagiging sikat sa mata ng mga netizens ay tila wala pa sa loob ng dalaga ang sumabak sa mundo ng showbiz. Para sa kanya ay mas gusto pa muna niya pagtuunan nang pansin ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyang nag-aaral ang dalaga ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University.


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram


Photo Source: Mikaela Yllana | Instagram

Kasabay ng kanyang pag-aaral ay sumabak ang aktres sa pagiging modelo at ang mga litrato neto ay makikita sa kanyang Social media account. Maliban sa mga magagandang litrato ng dalaga ay kapansin-pansin din ang hilig niya na mag-enjoy ng kanyang buhay hangga’t bata pa. Sa ngayon ang mga netizens ay umaasa na sana balang araw ay maisipan ni Mikaela na sumabak sa showbiz tulad ng kanyang ama na si Anjo.




Leave a Reply

Your email address will not be published.