Ito ang napakagandang tahanan ng Legaspi Family na mala-mansion ang disenyo at kalakihan

Hindi nauubos ang sorpresa na hatid sa atin ng ating mga paboritong artista. Bawat buwan ay mayroon silang bagong pinapakita na talaga naman na ating hinahangaan ng lubusan. Ito ay maaaring nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang mga dalaga at binatang anak, bagong sasakyan, magarang bakasyon o kaya isang malaking lupain.


Photo Courtesy: Rene Mejia | Entertainment Website




Gayunpaman ang mga bagay na ito ay nagiging inspirasyon natin sa buhay upang mas pagbutihan natin ang ating ginagawa sa pang araw-araw na buhay. Tulad na lamang ng sikat na pamilya na hinahangaan nang nakararami at ito ay walang iba kundi ang pamilya ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at ng kanilang dalawang anak na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.


Photo Courtesy: Rene Mejia | Entertainment Website

Hindi na iba sa atin ang pamilyang Legaspi dahil sa madalas natin silang makita sa mga programa sa telebisyon at sa dami din ng kanilang mga produktong ini-endorso. Dahil sa mga opportunity na dumadating sa kanilang buhay ay hindi na malabo na makabili sila ng isang napakalaking lupain na mayroong maaliwalas na kapaligiran at napakalaking bahay.


Photo Courtesy: Rene Mejia | Entertainment Website




Nagkaroon ng pagkakataon na silipin ng mga netizens ang nasabing pagmamay-ari ng pamilyang Legaspi sa pamamagitan ng isang Vlog. Kung saan ay inilibot tayo sa buong bahay nila na tila mansyon dahil sa sobrang laki nito. Sa kanilang ibinahagi na vlog ay makikita ang sobrang maaliwalas at mapayapang kapaligiran na tila inihahalintulad ni Zoren sa kanyang mga anak.


Photo Courtesy: Rene Mejia | Entertainment Website

Unang ipinakita ng mag-asawa sa kanilang Vlog ang kanilang malawak na receiving area na mayroong mga modernong kagamitan na talagang akma sa kulay ng mga dingding at kisame. Hindi din napigilan ng mag-asawa na ipakita ang kani-kanilang kwarto na kung saan ubod ng ganda at lawak.


Photo Courtesy: Carmina Villaroel | Instagram

Sa kwarto ng mag-asawa ay mayroong napakalaking higaan at may sariling telebisyon. Tulad din ng ibang tahanan ng artista ay hindi din mawawala ang sarili nilang gym sa loob ng bahay kung kaya hindi na din nakakapagtaka na hanggang ngayon ay magaganda ang mga pangangatawan nila. Ito ang mga tipo ng tahanan na kapag umuwi ka nang pagod galing sa trabaho ay makakapagpahinga ka ng maayos dahil sa taglay nitong aliwalas.




Leave a Reply

Your email address will not be published.