Siya si Lucho Agoncillo, ang napakaguwapong anak ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Sa dami ng pamilyang ating hinahangan sa mundo ng showbusiness, dahil sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan, minsan ay ating nasasambit na kapag nagkaroon sila ng anak ay hindi malabong pagkakaguluhan at bigyan ng titulo dahil sa angking kagwapuhan at ganda nito. Katulad na lamang ng anak ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na habang lumilipas ang panahon ay talaga namang kakikitaan na ito nang kagwapuhang taglay.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram





Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Marami ang humahanga sa celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Dahil sa pagkakaroon nila ng isang matatag na relasyon bilang mag-asawa at sa pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kung ating babalikan, nagsimula ang kwentong pag-ibig nina Juday at Ryan nang magsama sila sa isang teleserye ng Kapamilya network na pinamagatang “Krystala” na lumabas at napanuod sa telebisyon noong taong 2004, at sila ay kapwa nasa mid 20’s ang edad.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Sa mahabang panahon ng kanilang pagiging magkasintahan ay tinuldukan nila ito nang sila ay magpakasal noong Abril 28, 2009 sa San Juan, Batangas. Ang nasabing kasalan ay pribadong ginanap at tanging pamilya lamang at kaibigan nina Judy Ann at Ryan Agoncillo ang dumalo. Alam naman ng lahat na bago pa ikasal ang dalawa ay mayroon na silang adopted daughter na naging panganay nila na si Yohan.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram





Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Kalaunan ay biniyayaan pa ng dalawang anak ang pagsasama nina Juday at Ryan. Sa tatlong anak nila na sina Yohan, Lucho, at Luna ay nag-iisa lamang ang lalaki at ito ay si Lucho. Sa murang edad ni Lucho ay makikitaan na ito ng kagwapuhang taglay at karisma.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Sa mga larawan ni Lucho na ini-upload ng mga magulang niya ay talaga namang marami ang humanga sa kaniya at makikita ang malaking pagkakahawig ni Lucho sa kaniyang amang si Ryan Agoncillo. Sa murang edad pa lamang ni Lucho, nakikitaan na nang kagwapuhan at karisma na siguradong darating ang panahon na magiging hearthrob din ang batang ito.


Photo Courtesy: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Dahil sa nasabing larawan ay masasabi mong may future na maging isang heartthrob si Lucho at malaki ang chance na sumunod sa yapak ng kaniyang mga magulang na parehong nasa mundo ng showbiz.




Leave a Reply

Your email address will not be published.