Ating kilalanin ang isa sa mga anak ni Kuya Willie Revillame na nagngangalan na Marimonte Revillame

Kilala ng lahat si Willie Revillame bilang isang magaling na host, matulungin sa mga nangangailangan at higit sa lahat ay hindi naman maitatanggi ang taglay nitong kagwapuhan. Kaya naman ay marami ang mga babaeng kaniyang napa-ibig. Isa sa mga kilala nating anak ni Willie Revillame ay si Meryll Soriano sa kaniyang dating karelasyon na si Bec-Bec Soriano.


Photo Source: Marimonte Revillame | Facebook




Ngunit ang hindi alam ng nakararami ay may isa pang napakagandang anak na babae si Willie Revillame na si Marimonte Shanelle Viduya Revillame na kaniyang anak sa kaniyang non-showbiz ex-girlfriend na si Sharon Viduya. Kung ang kaniyang ama at eldest step-sister ay kilala sa mundo ng showbiz, si Marimonte Shanelle ay hindi pa naiisipang pasukin ang mundo ng showbiz.


Photo Source: Marimonte Revillame | Facebook


Photo Source: Marimonte Revillame | Facebook

Ngunit ganun pa man, dahil laganap na at malawak na ang saklaw ng social media ay makikita sa social media account ni Shanelle ang mga nakapost na larawan na kasama niya ang kaniyang step-sister na si Meryll. Sa mga nasabing laraawan ay hindi maikakaila at maitatanggi ang taglay nitong karisma at kagandahan.


Photo Source: Marimonte Revillame | Facebook


Photo Source: Marimonte Revillame | Instagram




Kung iyong matatandaan, ay naipakilala na ni Willie sa publiko si Marimonte sa kaniyang dating show sa ABS-CBN na “Wowowee”. Dahil dito ay marami sa mga manonood at tagasubaybay ang nabigla sa balitang ibinunyag ni Willie Revillame.


Photo Source: Marimonte Revillame | Instagram


Photo Source: Marimonte Revillame | Instagram

Hindi man madalas na magkasama ang mag-ama ay hindi naman tinalikuran at pinabayaan ni Willie ang kaniyang obligasyon at tungkulin sa kaniyang anak, kaya naman upang mapunan ang mga oras na hindi sila magkasama ay bumawi ito ng makasama si Marimonte sa isang bakasyon.


Photo Source: Marimonte Revillame | Instagram


Photo Source: Marimonte Revillame | Facebook

Hindi rin naging hadlang ang pagiging half-sister nina Marimonte at Meryll dahil kitang-kita naman kung gaano ka-close ang dalawa sa isa’t isa. Kung ating mapapansin, dahil sa taglay na karisma at kagandahan ni Marimonte ay hindi malabo na hindi ito makapasok sa mundo ng showbiz kung kaniyang gugustuhin. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-aaral si Marimonte sa Brent International School.




Leave a Reply

Your email address will not be published.