Ito na ngayon ang buhay ng dating aktres na si Jennifer Sevilla na mas pinili ang maging full time mom kapalit ang kaniyang karera bilang artista

Noong dekada nobenta, maraming artista ang napahanga tayo dahil sa kanilang taglay na galing sa pag- arte, pagkanta, at pagsayaw. Ngunit paglipas ng maraming taon ay unti-unti silang nawala sa harap ng kamera at hindi na muli natin nasilayan ang kanilang imahe.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram




Wala din naging balita kung ano na nga ba ang nangyare sa kanila matapos ang isang dekada kung kaya sa panahon ngayon ay malaking pasalamat na lamang sa iba’t-ibang social media. Sa kadahilanan na maaari na natin sila kamustahin at alamin ang mga bagong kaganapan sa kanilang buhay. Tulad na lamang ng isang aktres noong 90’s na si Jennifer Sevilla.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram

Nakilala natin si Jennifer nang makita natin siya sa iba’t-ibang pelikula noong 90’s at mas lalo pa umano siya nakilala nang maging parte siya ng isa sa mga sikat na show na kilala sa tawag na “That’s Entertainment”. Habang tumatagal ay nakita natin ang malaking transformation sa aktres lalo na noong siya ay nagdadalaga pa lamang. Mas lalo itong gumanda kung kaya mas namayagpag ang kanyang career sa showbiz.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay mas pinili umano ng aktres na lisanin ang showbiz na nagdala ng malaking kalungkutan sa kanyang mga tagahanga. Simula noon ay maraming mga tagahanga ng aktres ang gusto malaman kung ano na nga ba ang nangyari sa kanilang pinakamamahal na idolo simula ng mawala ito sa harap ng kamera.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram




Nagkaroon nang pagkakataon ang Kapamilya Network na makapanayam ang nasabing aktres upang kamustahin ang kanyang buhay matapos niya lisanin ang showbiz. Saad ng aktres na nilisan niya ang mundo ng pag-aartista dahil nagdesisyon siya na magkaroon na ng sariling pamilya.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram

Mas pinandigan niya ang desisyon na hindi na bumalik noong lumabas ang kanyang panganay na anak na si Simon Rafa. Mas gusto niya pagtuunan nang pansin ang pagiging full time mom para sa ikabubuti ng kanyang pamilya.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram

Dagdag pa niya na kaya mas pinili niya maging full time mom sa kanyang anak dahil gusto niya ito pagtuunan ng pansin habang bata pa. Dahil hindi nga naman habang buhay ay mananatiling bata ang kanyang anak at lagi sa kanyang tabi.


Photo Courtesy: Jennifer Sevilla | Instagram

Sa kabila ng kanyang desisyon na lisanin ang showbiz ay aminado siya na namimiss niya ang kanyang dating trabaho. Kasalukuyan ang dating aktres ay may sarili ng business na kanyang pinagkakaabalahan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.