Siya ang napakagandang anak ng negosyante na si Chavit Singson na nangngangalan na Chelsey Singson

Ang unang bagay na pumapasok sa ating isipan sa tuwing naririnig natin ang pangalan ni Chavit Singson ay ang kanyang galing bilang isang negosyante at isang politiko. Noon pa lamang ay kilala na natin siya at alam na natin kung gaano siya kayaman at higit sa lahat hindi natin malilimutan ang kanyang mala-mansion na bahay na may sariling mini zoo para sa mga alaga nito.


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram




Sa isang tour noon sa kanyang lupain ay napag-alaman na mayroon siyang alagang iba’t-ibang klaseng tigre at isa na dito ay ang white tiger na nagpahanga sa nakararaming nakasaksi. Maliban sa kanyang hindi mapantayang kayamanan at pagkahilig sa mga tigre ay mayroon din ang kilalang negosyante ng kayamanan na tulad din ng ibang pamilya.


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram

Ito ay walang iba kundi ang kanyang napakaganda at napakayaman na anak na babae. Siya ay walang iba kundi si Chelsey Singson na napag-alaman na miyembro ng mga naglalakihang samahan ng mga negosyante at nagmamay-ari ng isa sa mga napakalaking sport retail na galing Europe.


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram

Tulad din ng ibang kilalang personalidad ay mayroon din itong social media ngunit hindi gaano kaaktibo si Chelsey sa pagbahagi ng kanyang mga litrato. Dito natin masasabi na mayroong pagkabribado ang negosyante. Gayunpaman ay mayroon siyang 63.6 libo na followers at matutunghayan sa kanyang account ang mga naggagandahan niyang litrato. Mapapansin din sa mga litrato ni Chelsey na may pagkahilig siya pagdating sa mga motorsiklo.


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram





Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram

Maliban sa mga nag-gagandahang litrato niya at hilig sa motorsiklo ay mayroon din siyang litrato kung saan kasama niya ang kanyang anak na lalaki na nagngangalang Matteo. Tulad din ng ibang ina ay kapansin-pansin ang kanyang lubos na pagmamahal dito. Ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi si Rafael Sison.


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram


Photo Courtesy: Chelsey Singson | Instagram

Hindi natin maikakaila na sa kabila ng kanyang gandang taglay at kayamanan ay mahalaga pa rin sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng isang pamilya na iyong panghuhugutan ng lakas upang maisakatuparan ang iyong mga pangarap sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.