Siya ang napakagandang kapatid na babae ng aktor na si Daniel Padilla na nagngangalan na Roanna Padilla

Sa dinami-daming sikat at hinahangaang teen aktor sa mundo ng showbiz ngayong henerasyon, ay isa na rito si Daniel Padilla na binansagan pang Teen King. Maliban sa kaniyang husay at galing sa pag-arte ay kitang-kita ang kagwapuhang taglay at karisma na talaga namang hinahangaan ng kaniyang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram





Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram

Nakuha niya ang angking kagwapuhan sa kaniyang mga magulang na talaga namang kilalang mga tao sa mundo ng showbiz dito sa Pinas at may magandang lahi. Ang kaniyang ama ay walang iba kundi si Rommel Padilla at ang kaniyang ina naman ay si Karla Estrada.


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram

Ang hindi alam ng lahat, ay may half-sister siya na talaga namang may angking ganda. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang dalagang kapatid sa kaniyang ama na si Roanna Padilla. Ang napakagandang mukha nito ay agaw-pansin sa social media.


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram




Si Roanna Padilla ay ipinanganak noong Abril 4, 1992 na nagmula rin sa magandang lahi. Maliban sa kaniyang amang si Rommel Padilla, ang kaniyang ina ay isang half-German at half-Filipino na si Anabelle Antonio. Ngunit ganun pa man, magkaiba man ang ina ng dalawa ay hindi ito naging dahilan upang malayo ang loob at hindi nila kilalanin ang isa’t isa na magkapatid.


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram

Sa mga larawang naka-post ay makikita mong sobrang lapit ng magkapatid sa isa’t isa at maging sa kasintahan ng aktor na si Kathryn Bernardo ay malapit din si Roanna. Hindi man sikat si Roanna bilang isang artista dahil mas pinili nitong magkaroon ng tahimik at pribadong buhay ay sikat naman ito sa social media dahil sa kaniyang taglay na kagandahan at karisma gaya ng Instagram na kung saan ay mayroon na siyang 85,000 na mga followers.


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram


Photo Courtesy: Roanna Padilla | Instagram

Makikita sa Instagram ni Roanna na masaya itong naninirahan sa Australia at dito siya nagtatrabaho bilang isang design consultant. Kung iyong mapapansin ay nakahiligan din nito na magtravel, at minsan ay kinagigiliwan rin niya ang pagpo-photo blogging na kaniyang ibinabahagi sa kaniyang Instagram account. Masasabi mo talagang nananalaytay sa dugo nina Daniel at Roanna Padilla ang pagiging gwapo at magaganda.




Leave a Reply

Your email address will not be published.