Ito na ngayon ang buhay ng dating aktres na si Jackie Forster at napakagandang ina nina Andre at Kobe Paras

Hindi natin maikakaila na may mga iniidolo at hinahangaan tayong mga artista hindi lamang sa kanilang husay at galing sa pag-arte kundi pati na rin sa taglay nilang kagwapuhan, kagandahan at magandang hubog ng katawan. Dahil sa talamak na ngayon ang paggamit ng social media at sa tulong nito ay ating napapanuod ang kaliwa’t kanang nangyayari sa ating bansa, nasusubaybayan at nakikita ang mga pang araw-araw na buhay ng mga iniidolo nating artista.


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram




Isa na rito ang dating sikat na aktres na si Jackie Forster. Mapapahanga ka na lang sa kaniyang angking ganda na sa kabila ng kaniyang edad ay hindi mo ito kakikitaan ng pagbabago lalo na pagdating sa kaniyang kagandahan, na kaniya lamang pinatunayan na edad lamang ang tumatanda at nagbabago sa kaniya.


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram

Ang nasabing larawan ay ipinost niya sa kaniyang Instagram account, makikita mo rito ang kagandahang walang kupas at bumihag sa lahat ng mga tagasubaybay o netizens. Sa edad na 42-taong gulang, at isang ina sa lima niyang anak ay talagang walang bakas ito ng ano mang pagbabago sa kaniyang kagandahan.


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram

Kapwa nasa mundo na rin ng showbiz ang kaniyang dalawang anak na sina Kobe at Andrei Paras na kaniyang anak sa dati niyang naging karelasyon na si Benjie Paras. Sa kabila nang pagkakaroon ng limang anak ay hindi niya alintana ang mga stretch marks upang magsuot pa rin ng swimwear.


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram





Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram

Makikita rin sa kaniyang Instagram account post ang dalawa niyang larawan na kinuhanan sa magkaibang taon. Larawang kuha noong taong 2020 at 1999. Kitang-kita naman sa nasabing dalawang larawan na kahit 21 taon na ang nakalilipas ay tila hindi nagbago ang mukha ni Jackie Forster.


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Forster | Instagram

Sa ngayon ay masaya na ang buhay pag-ibig ni Jackie Forster sa kaniyang asawang si Michael Franken at ang kanilang pagsasama at pagmamahalan ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Jared, Yohan, at Caleigh.




Leave a Reply

Your email address will not be published.