Ito na ngayon ang napakasayang buhay ng beteranong Football Player ng Pinas na si Phil Younghusband na mayroon nang asawa at anak

Sa buhay ng isang tao, hindi natin maikakaila na marami tayong nais gawin, marating at patunayan sa buhay. Ngunit sabi nga nila, ang lahat ng bagay ay may hangganan. Ang pagiging sikat ay may katapusan.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram




Ngunit para sa dating sikat at kilalang Azkals Captain na si Phil Younghusband, ang kaniyang paglisan o pagretiro sa mundo ng football ay may magandang naidulot sa kaniya. Ngayon ay masaya na siyang namumuhay sa England kasama ang kaniyang asawa na si Margaret Hall at ang kanilang anak na lalaki na si Philip.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram

Ibinahagi ni Phil James Younghusband Jr. sa kaniyang Instagram account ang isang maganda, buo at masayang larawan ng kaniyang pamilya. Makikita rin na may solong larawan ang mag-ama kung saan ay may kalakip itong isang mensahe na kung gaano siya kasaya sa kaniyang buhay ngayon bilang isang asawa at ama.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram

Mapapansin din sa mga ini-upload na mga larawan ni Phil Younghusband na mas madalas niyang kasama ang kaniyang anak na si Philip na ipinapahiwatig lamang kung gaano siya ka hands-on bilang isang ama sa kaniyang 2 years old baby boy na si Philip.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram




Hindi rin maitatanggi ang pagbabagong dala nang dumating ang munting anghel sa buhay ni Phil. Kung kaya naisip umano ni Phil na isunod sa kaniyang pangalan ang kanyang anak na lalaki. Sa kabila ng kaniyang kasikatan sa paglalaro ng football ay ginulat niya na lang ang kaniyang mga tagahanga nang kaniyang i-anunsyo ang pagreretiro niya sa paglalaro ng football noong Nobyembre 18, 2019.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram

Kung nag-eenjoy siya dati sa pagiging sikat na football player ay mas lalong nag-eenjoy siya ngayon sa pagiging isang asawa kay Margaret at isang daddy sa kaniyang baby Philip. Patunay lamang na malaki ang impluwensya na kayang ibigay ng pagkakaroon ng anak para sa mga bagong henerasyon na magulang na mayroong kakayahan na baguhin at pasayahin ang buhay ng mga ito.


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram


Photo Courtesy: Phil Younghusband | Instagram

Ikinasal sina Phil Younghusband at Margaret Hall noong July 20, 2019 sa Kent, England. Ipinanganak naman ni Margaret Hall ang kanilang first baby na si Philip noong June 12, 2020.




Leave a Reply

Your email address will not be published.