Masayang tinanggap ni Sylvia Sanchez ang soon to be daughter-in-law na si Maine Mendoza sa kanilang pamilya

Bilang isang ina, hindi matatawaran ang kanilang kasiyahan kapag nakikita nilang masaya ang kanilang mga anak. Laking tuwa ng isang nanay na makita ang kaniyang anak na matagumpay sa buhay at unti-unting natututo na tumapak sa kani-kanilang sariling paa.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram




Mas labis na ligaya naman ang nadarama ng isang ina kapag nakita niya ang kaniyang anak na tutungo na rin sa punto ng kanilang buhay na kung saan sila’y mag-aasawa na, lalo na at ang napili ng iyong anak ay ang taong mayroong mga katangian na ninanais mo para sa iyong anak.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Gayunpaman, mayroon namang mga ina na labis labis ang pagprotekta sa kaniyang anak na lalaki dahilan upang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mother-in-law at daughter-in-law. Marahil ay ayaw lamang talaga ng ina na mag-asawa ang anak na lalaki o mayroong mga ayaw siya sa katangian ng mapapangasawa ng kaniyang anak na lalaki.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Ngunit ibahin niyo si Sylvia Sanchez, ang batikang aktres na mayroong anak na lalaki na isang sikat rin na artista sa industriya ng showbusiness at ito ay walang iba kundi si Arjo Atayde. Dahil si Sylvia Sanchez ay bukas palad na tinanggap ang mapapangasawa ng kaniyang anak na si Maine Mendoza.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram




Ibinahagi pa nga ni Mrs. Sylvia Sanchez-Atayde ang ilan sa mga larawan ng naganap na marriage proposal ni Arjo para kay Maine. Kitang-kita ang kasiyahan ni Maam Sylvia na i-welcome ang soon to be daughter in law niya na si Maine. Bakas sa mukha ng ina ni Arjo ang punong-puno na galak ngayong magiging pamilyado na ang kaniyang anak.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Sa caption ni Sylvia Sanchez sa kaniyang post sa Instagram ay nagbitaw siya ng mga salitang, nangangako siya na mamahalin at aalagaan niya si Maine Mendoza na parang isang tunay niya na ring anak. Nagpasalamat rin siya sa pagmamahal ni Maine sa kaniyang anak na si Arjo.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Maraming fans ang humanga kay Maam Sylvia Sanchez sa kaniyang ipinakitang pagmamahal sa dalawa at buong puso na pagtanggap kay Maine. May ilan pa ngang nagkomento na napakasuwerte ni Maine dahil si Sylvia Sanchez ang kaniyang magiging biyenan dahil sobra magmahal at mag-alaga umano nito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.