Tingnan ang bagong gawang condominium unit ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada

Karamihan sa mga bagong kasal ngayon at nagsisimula pa lamang sa pagbuo ng tahanan para sa kanilang pamilya ay wala pang kakayahan bumukod. Kung kaya’t karamihan sa mga young couples ngayon ay pinipili munang manatili sa bahay ng kanilang magulang hanggang sa makaipon at makapagpatayo na ng sariling tahanan.


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Instagram




Ngunit mayroon namang iba na bago pa man magpakasal at magkaroon ng anak ay napagplanuhan at nakapaghanda na ang kinabukasan ng kanilang bubuohing pamilya. Malaking ginhawa rin kasi talaga ang magkaroon ng sariling bahay na wala kang kailangan pakisamahan ngunit kaakibat naman nito ay malaking responsibilidad at gastusin na kailangan panatilihin na matustusan ng sapat.


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Instagram

Isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay ang newly weds na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na kung saan ay kakalipat lamang nila ng kanilang kauna-unahang tahanan bilang mag-asawa. Ito ay ipinasilip ni Alex Gonzaga sa kaniyang youtube channel at nagbigay rin siya ng ilang detalye tungkol sa pagpapagawa ng kanilang unang tahanan.


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Instagram

Ilan sa mga nabanggit at ibinahagi ni Alex Gonzaga ay ang pagkakaroon ng malaking problema sa condo unit na ito na kung saan nagkaroon ng pagbabaha rito kung kaya’t kinailangan nilang iparenovate at ipaayos ng husto bago nila ito malipatan. Maging sa ibaba na unit nila Alex ay nagkaroon ng tagas ng tubig dahilan upang may magreklamo na unit owner.


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Instagram

Makalipas nga ang tatlong buwan na pagpapagawa ay sa wakas at nakalipat na rin ang mag-asawa sa kanilang napakagandang tahanan. Makikita ang litrato sa ibaba ng BEFORE and AFTER na itsura ng kanilang condo unit na pansin na pansin ang napakalaking pagbabago.


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Instagram




Ang condo unit nila Alex at Mikee ay ipinagawa sa tulong na rin ng isang Interior Designer kung kaya’t talagang napaganda nila ng husto ang kanilang tahanan na kung mapapansin ay mala-five star hotel ang dating. Ayon kay Alex, ang tanging gusto niyang mga kulay na makita para sa kanilang bahay ay white, black, at woodlike colors.

SILID-KAINAN


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube

Ang kanilang Dining Area ay mayroong napakagandang ilaw sa kisame na nagbibigay ng nakakarelax na vibes habang kumakain samahan pa ng wall accent na puro salamin na nagmumukhang bintana ang disenyo.

SALA


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube

Ang kanilang sala ay mayroong napakalinis tingnan na puting sofa na hugis L na talagang bumagay sa kulay puti na pader samahan pa ng nag-gagandahang kulay kahoy na sahig at kabinet.

KUSINA


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube




Kahit sino naman sigurong ilaw ng tahanan ay pinakapaborito ang silid-lutuan o kusina na parte ng tahanan kung kaya’t kailangan na maganda ito at malawak. Mayroong glass door and windows ito na naghihiwalay sa ibang parte ng condo unit upang maiwasan pagkalat ng pangangamoy ng mga niluluto.

SILID-TULUGAN


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube

Isa sa pinaka-importante na parte ng isang tahanan ay ang lugar kung saan kayo makakapagpahinga ng mapayapa at komportable. Ang Master’s bedroom ng mag-asawa ay mayroong napakalaking bintana upang pumasok ang natural na liwanag mula sa labas at maaliwalas na hangin.

WALK-IN CLOSET


Photo Courtesy: studioyoyoph | Instagram

Ang pangalawang kwarto naman nila Alex ay ginawa niyang walk-in closet kung saan siya ay mas madaling makakapili ng kanyang outfit. Mayroon itong mga glass panels sa kabinet na nagmumukhang napakalinis at organisado tingnan.

BANYO/PALIGUAN


Photo Courtesy: Alex Gonzaga | Youtube

Matatanaw sa Bathroom ni Alex at Mikee na talagang napakalinis at napakaganda ng disenyo. Napakalaking bagay ng ilaw na nagbigay ng nakakakalmang pakiramdam pagpasok mo sa silid na ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published.