Ibinahagi ng tatay ni Junrey Baug na noong ipinagbubuntis pa lamang siya ay ipinaglihi siya ng kaniyang ina sa aktor na si Jericho Rosales

Ilang porsyento nga ba ang posibilidad na mayroong isang tao sa mundo na halos kapareho o kamukha ng iyong pisikal na anyo? Sabi nga sa ilang pag-aaral, hindi malabong mayroon kang kahawig na ibang tao dito sa daigdig na ating tinitirahan.


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram





Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Labis na kinagigiliwan ng mga tao ngayon ay ang pagkakahawig ng ilang mga artista sa isang ordinaryong mamamayan. Sa madaling salita, ang tawag ng mga netizens dito ay kalookalike. Nakakatuwa nga naman talaga makita na ang ating iniidolong artista ay may kaparehang itsura na makikita sa isang ordinaryo lamang na tao.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Isa na rito ay ang pinagkaguluhan sa online kamakailan lamang na isang ordinaryong personalidad na nagngangalan na Junrey. Maraming netizens ang nasurpresa nang makita nila ang litrato ng isang lalaki na hawig na hawig ni Jericho Rosales.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Nang makapanayam ang pamilya ni Junrey ay inamin ng kaniyang ama na pinaglihi nga raw ang anak sa aktor na si Jericho Rosales. Ibinahagi nito na tanging larawan at mga pelikula ng aktor ang nais ng ina nito makita palagi habang ipinagbubuntis ang kaniyang anak na si Junrey.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram




Dagdag pa rito, si Junrey lang ang mayroong kakaibang mukha na may pagka-artistahing dating. Dahil na rin sa biglaang pagkakadiskubre sa binata, biglang dumami ang nagkaroon ng interes dito na maging product endorser.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Nagsagawa rin ng makeover sa binata ang ilang mga personalidad na nagkainteres sa kaniya upang mas ayusan siya ng pananamit at ng itsura.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Kung pagmamasdan mong maigi ay tunay ngang kamukha ni Junrey ang aktor na si Echo dahil nakuha nito ang buhok, ngiti, facial appearance, tangkad, at pagiging masipag sa trabaho.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Tunay nga na hindi imposible na mayroon kang kamukha rin na ibang tao, dito man yan sa Pilipinas, ibang lahi, o ilang sikat na personalidad.


Photo Courtesy: Junrey Baug | Instagram

Gayunpaman, ang pinakaimportante sa lahat ay maging mapagpasalamat tayo sa Maykapal na siyang lumikha sa atin na binigyan tayo ng iba’t-ibang klase ng pagkatao at anyo.




Leave a Reply

Your email address will not be published.