Ibinahagi ni JM De Guzman ang kaniyang luxury van na hango sa pagkahilig niya kay Batman

Hindi natin maipagkakaila na ang aktor na si JM De Guzman ay napakalaki na rin ang naiambag sa mundo ng sining ng pag-aartista. Ang napakagaling na aktor na si JM ay nagpamalas ng angking kahusayan sa pag-arte simula pa noon.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Instagram




Bukod sa kaniyang talento sa pag-arte ay mayroon itong napaka-amo at napakaguwapo na mukha na talagang kahuhumalingan ng napakaraming tagahanga.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Marahil ay marami ring pinagdaanan na pagsubok si JM De Guzman sa kaniyang karera, lahat nang ito ay kaniyang nalampasan at ngayon ay tinatamasa ang tahimik at matiwasay na buhay.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Sa kadahilanang matagal na rin si JM De Guzman sa mundo ng pag-aarte at napakarami na ring malaking proyekto ang kaniyang napagtagumpayan, tunay nga na may mga ari-arian na rin na naipundar si JM para sa kaniyang sarili.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Isa na nga rito ay ang kaniyang black artista van na kaniyang ibinahagi sa kaniyang youtube. Si JM De Guzman ay labis ang pagkahilig sa kulay itim na mga bagay kung kaya’t mapapansin sa kaniyang sasakyan na kulay itim ang interior at exterior ng Van.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube





Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Isa sa mga pinakapaboritong superhero character ni JM ay ang fictional character na si Batman, kung kaya’t dito niya na rin hinango ang kaniyang sasakyan na kumikinang sa kulay itim.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Ipinakita ni JM De Guzman sa kaniyang vlog ang advance na mga features ng kaniyang van na tila parang bahay o office ni batman. Nabanggit ni JM na lahat ng kaniyang sasakyan, mapamotor man o kotse ay lahat nang ito ay kulay black sa kadahilanang gustong gusto niya talaga ng Bat Mobile na sasakyan ni Batman.


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube


Photo Courtesy: JM De Guzman | Youtube

Gayunpaman, may mga hindi rin magandang dulot ang kulay itim para sa isang sasakyan dahil ayon kay JM, kitang kita agad ang mga gasgas at alikabok. Ngunit ipinapasa walang bahala naman ito ni JM dahil okay lang naman daw ito dahil mas feel niya na siya si Batman na palaging mayroong misyon sa bawat byahe.




Leave a Reply

Your email address will not be published.