Kilalanin ang napakaguwapong anak ng aktres na si Dawn Zulueta na ngayon ay isang ganap nang binata

Likas na sa ating mga iniidolong artista ang pagkakaroon ng napakagandang imahe para sa nakararami kung kaya’t labis-labis ang pagmamahal at suporta sa kanila ng mga fans.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram




Bukod pa rito, napakalaking bagay para sa mga fans ang makilala at makita ang anak ng kanilang iniidolong artista. Sa kadahilanang tutok na tutok ang mga fans sa personal na buhay ng kanilang idolo at nais nilang malaman ang bawat detalye sa pagkatao nito.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Ngunit ito ay parte talaga ng pagiging isang sikat na personalidad sa industriya. Tulad na lamang nga ni Ms. Dawn Zulueta na laging inaabangan ang bawat update sa kaniyang social media accounts.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Kamakailan nga lamang ay kinatuwaan ng mga netizens ang post ni Dawn Zulueta na makikita ang litrato ng kaniyang binatang anak na si Jacobo na nakasuot ng pormal at matipunong kasuotan.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram




Pansin na pansin ang kaguwapuhan ng anak ni Ms. Dawn Zulueta, ito ay nakapostura dahil ito ay dadalo ng kaniyang Junior Prom sa eskuwelahan.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Proud itong ibinahagi ng aktres na si Dawn Zulueta na talaga namang ikinatuwa ng mga fans at agad-agad nilang napansin at pinuri si Jacobo dahil sa angking kaguwapuhan nito.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Sari-sari ang naging komento ng mga netizens na nakakita ng post ni Ms. Dawn at lahat nang ito ay positibo. May ilan na nagsabi na napakaguwapo talaga ni Jacobo na kahit nakafacemask ito ay pansin na pansin pa rin ang pagiging matipuno at pogi. Nabanggit rin ng ilan na mayroon nang binatang anak si Ms. Dawn at labis na ikinatutuwa ng mga netizens.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Minsan talaga sa buhay, magugulat ka na lamang at hindi mo namamalayan na napakabilis ng oras, ang dati-rating kalong at karga mo ay isang ganap nang binata or dalaga na mayroong ng sariling desisyon sa buhay.


Photo Courtesy: Dawn Zulueta | Instagram

Gayunpaman, ito ay napakalaking tagumpay para sa isang magulang na napalaki nila ang kanilang anak na masunurin, mabuting tao, may respeto sa kapwa, at mapagmahal sa magulang.




Leave a Reply

Your email address will not be published.