Ito na ngayon ang dating childstar na si Mutya Orquia na umusbong sa pagiging isang napakagandang dalaga

Ang palabas na Goin’ Bulilit ang isa sa mga pinaka-nakakaaliw na palabas ng Kapamilya Network. Pinagbibidahan ito ng mga bibo at kwelang mga batang artista na nagbibigay ng aliw at nakakapaghatid kaligayahan sa palabas na hindi lamang sa kabataan ngunit para na din sa mga matatanda na manununuod.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram




Ang mga dating cast ng programa ay unti-unti nang nagbibinata at nagdadalaga dahil sa tagal na rin ng palabas na ito. Hanggang ngayon ay may mga ilan pa din na sumusubaybay sa mga pag-usbong ng mga dating ‘Goin Bulilit’ na mga artista na kung saan ay sumikat talaga mula sa nasabing palabas.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Isa si Mutya Orquia ng ‘Goin Bulilit’ ang patuloy pa din ang pag-usbong ng kasikatan na kilala sa tunay na pangalan bilang Ruelleen Angel Olano. Noong taong 2011, gumanap siya na sirena sa isang kapamilya fantaserye na Mutya.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Napabilang din siya sa isang palabas na Be Careful With My Heart bilang anak ni Papa Chen na si Abigail noong 2012 hanggang 2014. Gumanap din siya bilang Jade Dimagiba sa isang teleserye na Binondo Girl na kasama niya ang artistang si Kim Chui.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Ang kilalang batang napaka-cute noon na si Mutya ngayon ay nagdadalaga na. At ngayong nagdadalaga na si Mutya at kapansin-pansin ang napakalaking pagbabago na nangyari sa kanyang pisikal na itsura.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram




Marami nang napatunayan si Mutya sa kanyang murang edad. Habang tumatagal lalong gumaganda ang dalaga at pinapakita niya na hindi lamang sa larangan ng pag-aartista siya magaling.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Nahubog ang galing ni Mutya sa klase ng trabaho na pinasok niya at ganoon din ang mga artistang kasabayan niya. Maaari pang umusbong lalo ang talento ni Mutya sa galing na pinapakita niya sa industriya ng pag-aartista dahil sa kanyang pagdadalaga.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Pero laging nakadepende pa rin sa panahon at sitwasyon ang magiging takbo ng karera ng isang artista, kaya hindi natin masasabi kung kailan ang magiging dulo ng kasikatan nila.


Photo Courtesy: Mutya Orquia | Instagram

Katulad ni Mutya na bata pa lamang ay marami na ang humanga kung kaya’t abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata at kapalaran ni Mutya sa mundo ng entertainment.




Leave a Reply

Your email address will not be published.