Silipin ang napakasimpleng buhay ni Sylvia Sanchez bilang isang hands on mom sa kanilang tahanan

Si Sylvia Sanchez ay nag-umpisa sa kaniyang karera bilang artista noong dekada ’80 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin siya sa showbusiness at patuloy na pinapahanga ang mga tao sa kaniyang galing sa pag-arte.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram




Lubos na nagpapasalamat si Sylvia sa Maykapal sa mga oportunidad at proyekto na ipinapaubaya sa kaniya dahil natupad na naman ang layunin niya bilang artista na makagawa ng mga palabas na kapupulutan ng aral ng mga manunuod.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Ibinahagi ng aktres na hiniling niya sa Diyos na pagkalooban lamang siya ng isang role na makakapagbigay ng aral o magandang leksyon para sa mga tao. Laking pasasalamat naman ni Maam Sylvia na ipinagkaloob sa kaniya ito ni Lord.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Samantala, kagaya ni Luzviminda, sa likod ng camera ay isa ring huwarang ina si Sylvia sa kaniyang apat na anak, sa asawang si Arturo Atayde. Kitang-kita sa kaniyang mga anak kung paano sila napalaki at nadisiplina ng maayos ng kanilang mga magulang lalong-lalo na ng kanilang ina.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram




Sa katunayan, dalawa nga sa anak ni Sylvia ay sumunod sa kaniyang yapak sa show business at kasalakuyang namamayagpag na rin ang karera. Sila ay sina Arjo at Ria Atayde na madalas mapanuod sa iba’t-ibang pelikula at palabas. Ang dalawang nakababatang anak naman na sina Gela at Xavi ay abala pa sa kanilang pag-aaral at malayo ang interes sa pag-aartista.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Masaya si Sylvia sa mga natutupad na pangarap ng kaniyang mga anak lalo na at maganda ang balitang naririnig niya sa mga nakakatrabaho nina Arjo at Ria.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Nang tanungin naman si Sylvia kung papaano niya napapanatiling masaya at matatag ang kaniyang relasyon sa asawang si Arturo ay narito ang kaniyang naging pahayag:


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Pahayag ni Sylvia Sanchez na napapanatili nila na matamis ang kanilang relasyon ng asawa ay dahil nilalambing niya pa ang kaniyang asawa, nag-aasaran pa rin sila at nagpipikunan na tila parang mga bata pa rin o teenager.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Isa rin sa mga rason kung bakit nagtatagal pa rin ang relasyon ng mag-asawa ay dahil inaayos kaagad nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at sinisigurong hindi na magtatagal pa ang kanilang alitan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.