Ipinakita ni Herlene Budol ang kaniyang bagong bahay na bunga ng lahat ng kaniyang paghihirap upang makamit ang tagumpay

Ang pagiging isang breadwinner ng pamilya ay isang malaking biyaya mula sa itaas sa kadahilanang may dumarating sa iyo na grasya na ibinabahagi mo sa iyong mga mahal sa buhay. Maituturing kang mabuting anak, kapatid, o tita/tito dahil sa iyong kusang-loob na pagtulong sa kanilang pang-pinansyal na pangangailangan.


Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram




Malaking responsibilidad ang nakaatang sayo bilang isang provider ng isang pamilya. Ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan rin sapagkat hindi panghabambuhay ay aasa sila sayo.


Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram

Bakit hindi pupwedeng habambuhay umasa sayo ang iyong pamilya? Ito ay dahil sa ilang mga rason. Isa na rito ay balang araw magkakaroon ka rin ng sariling bubuohin na pamilya.


Photo Courtesy: Wilbert Tolentino | YT

Pangalawa ay hindi natin alam kung hanggang kailan napakaraming biyaya ang darating sayo, pangatlo ay mayroong mga pangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan na ayaw nating mangyari sa ating kalusugan o kaligtasan.


Photo Courtesy: Wilbert Tolentino | YT

Katulad na lamang ng nangyari kay Herlene Budol na nadiskubre at biglaang umusbong ang karera. Kung kaya’t siya ay naging breadwinner ng kaniyang pamilya at karamihan ng bayarin sa kanilang bahay ay siya na ang nagbabayad. Ngunit nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari na nangyari sa buong mundo nitong 2020, si Herlene Budol ay nawalan ng kabuhayan.


Photo Courtesy: Wilbert Tolentino | YT




Mangiyak-ngiyak si Herlene dahil halos naubos ang kaniyang ipon na talagang parang back to zero ang nangyari sa kaniya. Siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya ngunit sa isang iglap biglang nawala lahat.


Photo Courtesy: Wilbert Tolentino | YT

Gayunpaman, nagawan ito ng paraan ni Herlene at muli niyang naibalik ang maayos na kabuhayan. Nagtiwala lang talaga siya sa itaas kung kaya’t ibinalik lahat sa kaniya nang mas sobra-sobra pa.


Photo Courtesy: Karen Davila | YT

Kamakailan nga lamang ay tuloy-tuloy ang biyaya na dumarating kay Herlene Budol na kung saan siya’y nanalo bilang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 samahan pa ng bagong House and Lot na kaniyang ipinakita sa kaniyang vlog.


Photo Courtesy: Karen Davila | YT

Naging emosyanal ang house tour ni Herlene sa kadahilanang ito ay kaniyang iniaalay sa kaniyang pamilya na talaga namang nag-uumapaw ang kasiyahan sa natamo ni Herlene sa kaniyang buhay.


Photo Courtesy: Karen Davila | YT

Tunay nga na kung may determinasyon ka sa buhay samahan pa ng pagiging mabuti at mapagkumbaba na pag-uugali, siguradong tuloy-tuloy ang biyaya na iyong matatanggap.




Leave a Reply

Your email address will not be published.