Kilalanin si Arabella Davao, ang napakagandang bunsong anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco

Napakasarap sa pakiramdam bilang isang magulang ang makita mo ang iyong anak na natapos na niya ang kaniyang edukasyon at uusad na upang tahakin ang kaniyang karera. Ang napakagandang bunsong anak na babae nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco ay nagtapos ng kanyang Bachelor’s Degree sa Ateneo de Manila University.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram





Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Ang kaniyang pangalan ay Arabella Davao, hindi man kilala ng karamihan dahil mula noon ay nananatiling pribado ang dating mag-asawa na sina Ricky Davao at Jackie Lou pagdating sa kanilang personal na buhay.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Noong nagtapos ng kolehiyo ang dalaga taong 2019, labis ang kasiyahan na nadama ng kaniyang mga magulang. Ibinahagi ng dating mag-asawa ang kanilang kagalakan sa pamamagitan ng pagmensahe sa kanilang bunsong anak gamit ang kanilang Instagram account na nagpapakita ng love and support para sa kanya.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Ang kanyang mommy ay ipinaabot ang nakakaantig na mensahe sa bunso at sinigurado sa kanya na palagi itong susuportahan sa lahat ng kanyang kakaharapin sa buhay.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram





Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Makikita ang labis na pagmamahal ni Jackie Lou sa kaniyang anak dahil sa kaniyang mga binitawang salita sa kaniyang post na nagbibigay ng buong suporta na kahit ano daw ang kaniyang tahakin na landas ay palaging nasa likod lamang ang kaniyang ina upang sumuporta at umagapay.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Samantalang ang kaniyang ama naman na si Ricky Davao ay nagbigay ng maikling mensahe rin pero malalim ang kahulugan, ang tanging nabanggit lamang niya ay pagbati sa kaniyang anak sa pagtatapos nito sa kolehiyo at binitawan niya ang pinakamahiwagang salita na so proud of you, I love you.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Umani ng mga positibong reaksyon at komento ang post ng mag-asawang Davao mula sa mga netizens na kanilang taga-subaybay. Tunay nga na namana ni Ara ang kanyang good looks mula sa kanyang mga parents. Maliban pa kay Ara, mayroon pang dalawang anak sina Ricky at Jackie Lou, ito ay sina Kenneth at si Rikkie Mae.


Photo Courtesy: Arabella Davao | Instagram

Nakakatuwa makita na ang ating iniidolong couple na ito ay in good terms pa rin kahit na sila ay hindi na nagsasama.




Leave a Reply

Your email address will not be published.