Ito na ngayon ang buhay ng napakagaling na childstar noong dekada nobenta na si Agatha Tapan

Naaalala mo pa ba ang Dating Child Star na si Agatha Tapan? Ito na siya ngayon matapos lisanin ang mundo ng pag-aartista. Si Agatha Tapan ay isa sa mga pinakasikat na batang artista sa Pilipinas noong 1990’s. Nagtrabaho siya sa Kapamilya Network, at itinampok sa maraming pelikula, programa sa telebisyon, at komersyal.


Photo Courtesy: Janus Del Prado | Instagram




Makikita sa itaas na larawan ang isang litrato na ibinahagi ni Janus Del Prado sa kaniyang IG account kasama si Agatha.


Photo Courtesy: Agatha Tapan | Instagram

Naging tanyag si Tapan matapos siyang gumanap bilang si Denise sa teleseryeng Mara Clara kasama ang mga beteranong aktres na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na ipinalabas sa telebisyon noong Agusto 17, 1992 hanggang Pebrero 14, 1997.


Photo Courtesy: Agatha Tapan | Instagram

At masasabing naging daan talaga para sa katulad ni Agatha ang pagbida sa Mara Clara upang mapalago pa ang talento niya sa pag-arte. Ang dating longest-running series sa Pilipinas na Mara Clara ay nangibabaw sa telebisyon sa loob ng ilang taon.


Photo Courtesy: Agatha Tapan | Instagram




Ang ex-child star ay kilala rin sa kanyang iconic na papel sa remake ng Vilma Santos’s Trudis Liit at iba pang mga pelikula, napasama din siya sa palabas na Barumbado noong taong 1996, Once Upon a Time taong 1997, at pagkatapos ay naging bahagi rin siya sa pelikulang ‘Kahit Minsan Lang’ noong taong 1997.


Photo Courtesy: Agatha Tapan | Instagram

Gayunpaman, nagpasya ang aktres na umalis sa mundo ng showbusiness upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at dahil na rin sa iba pa niyang mga kadahilanan. Natapos ni Agatha ang kanyang college degree sa De La Salle University sa Dasmariñas, Maliban sa ilalim ng kursong AB Communication.


Photo Courtesy: Agatha Tapan | Instagram

Ang dating tanyag na child star ay nagtrabaho bilang isang Business Development Analyst sa ANC noong 2010 at kasalukuyang nagtatrabaho bilang FWD Financial Wealth Planner. Noong 2015, ikinasal siya kay Romel Galiza at biniyayaan sila ng isang sanggol na babae ilang buwan pagkatapos ng kanilang kasal.

Bagaman, tinalikuran na ni Agatha ang pag-aartista, natagpuan niya naman ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa at anak. Nag-eenjoy din siyang gampanan ang pagiging isang mabuting asawa at ina sa kanilang tahanan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.