Silipin ang Dream House ng mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz

Ang magkaroon ng sariling bahay ay pangarap nating lahat lalo na ng mga magkasintahan na nagbabalak nang lumagay sa tahimik at bumuo ng sarili nilang pamilya.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook




Ito rin ang pangarap ng aktor na si Rodjun Cruz at long time girlfriend nitong si Dianne Medina na isang rin aktres at TV Host. Ang dalawa ay parehong kilala sa showbiz at 12 years na silang magkasintahan.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Taong 2017 noong hingiin ni Rodjun ang kamay ng kanyang nobya, bagay na ikinabigla ni Dianne dahil wala itong kamalay-malay na ang inaakala nitong selebrasyon lamang ng ika-30 birthday ng nobyo ay isang proposal rin pala ang mangyayari. Mula noon ay pinlano nilang maigi ang espesyal na araw nila.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Dalawang araw bago ang kasal nila ay ibinahagi ni Rodjun at Dianne sa kani-kanilang Instagram accounts ang litrato at video ng kanilang bagong tayo na dream house.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook




Ayon sa aktres ay ito ang unang investment nilang dalawa at ang naturang bahay ay inabot ng dalawang taon bago mabuo. Hands-on ang magkasintahan mula sa paghahanap ng contractor at pagpapatayo hanggang sa pagpili ng mga kagamitan sa bahay.

Sabi rin nito ay talagang pinaghirapan nilang pareho ang pagbuo sa kanilang bagong tahanan at pinagtrabahuhan nila nang husto upang maisakatuparan ang isa sa kanilang mga pangarap. Nagpasalamat ang magkasintahan sa Diyos dahil biniyayaan sila nito nang labis-labis.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Naisipan ng dalawa na itayo muna ang kanilang dream house bago tuluyang magpakasal kaya naman dalawang araw bago ang araw ng kanilang wedding ay masayang ibinahagi ng dalawa ang itsura ng loob ng kanilang bahay.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

May halong kulay brown at white palette ang labas na pintura ng kanilang bahay. Habang sa loob naman ay kulay white ang walls nito at makikita ang hagdan patungo sa kanilang second floor Loft. Napaka-simple ng disenyo nito sa loob pero napaka elegante kung titignan dahil na rin sa kanilang mga kagamitan at disenyo sa loob.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook




Halos glass window ang harap ng kanilang bahay na siyang nakapagbigay ng liwanag sa loob ng kanilang dream house. Mayroon rin na sariling walk-in closet si Dianne kung saan ipinakita niya ang kaniyang mga collection ng bag at fashion wardrobe. Habang ang kanilang master bedroom naman ay napakasimple lamang subalit elegante ang disenyo ng kanilang headboard at ceiling.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Bukod dito, mayroon rin sariling swimming pool ang mag-asawa at nag-invest sila sa kanilang own theatre room kung saan mayroon itong malaking TV at lazyboy na mga upuan.

Bago sila ikasal, ibinahagi rin ng dalawa na nagkaroon na sila ng House blessing kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan kung saan nagkaroon sila ng salo-salo sa bagong bahay.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Ikinasal si Rodjun at Dianne nitong nakaraang Disyembre 21, 2019 na ginanap sa Manila Cathedral. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaanak at kaibigan ng dalawa, kasama na ang kapatid ni Rodjun na isang ring aktor na si Rayver Cruz at iba pang mga kilalang personalidad sa showbiz.


Photo Courtesy: Nice Print Photography | Facebook

Gaya nina Sunshine Cruz, Janine Gutierrez, Max Collins, Andrea Torres, Maxine Medina, Alden Richards, Matteo Guidicelli, Joross Gamboa, Marco Alcaraz at marami pang iba.




Leave a Reply

Your email address will not be published.