Ito na ngayon ang buhay ng dating aktor na si Hero Angeles na hindi pa rin kumukupas ang kaguwapuhan

Si Hero Angeles ay nakilala noong nanalo siya sa isang talent search program na “Star Circle Quest” ngunit pagkatapos matampok sa ilang mga programa ang nasabing artista bigla na lang naglaho, nasaan na nga ba si Hero?


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram




Siya ay inilarawan ng kanyang mga katrabaho at kasamahan bilang mabait at mapagbigay na tao na kung saan laging willing na magbahagi at magturo ng kanyang talento sa iba.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Sa isang bidyo na ating mapapanuod sa isang kilalang youtube channel ay matutunghayan ang eksklusibong panayam kay Hero Angeles tungkol sa kanyang buhay bilang artista hanggang sa buhay niya ng umalis siya sa showbusiness.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Kung ating matatandaan si Hero Angles ay napabilang sa mga hottest stars noong 2004 nang siya ay manalo sa “Star Circle Quest” at kalaunan naging ka loveteam ang dating artista na si Sandara Park.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Sumikat ang mag loveteam lalo na nang maipalabas ang kanilang pinagbidahan na pelikula na pinamagatang “Bcuz of You” at “Can This be love?.”


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Ngunit sa kabila ng kanilang tagumpay na natamasa ay nakapagdesisyon pa rin si Hero na umalis sa showbusiness nang matapos ang kanyang kontrata sa Kapamilya network at nakita na lang sa mangilan-ngilang programa sa ibang network.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram




Ang kanya namang ka loveteam na si Sandara Park ay nag-desisyon naman bumalik ng South Korea at doon naging isa siyang sikat na singer superstar.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Noong Marso 2008 ang aktor na si Hero ay natunghayan sa programa ng Kapuso network na Luna Mystika at Dyesebel at doon napag-alaman na opisyal na siya lumipat ng tv station network sa ilalim ng management ng yumaong Master showman na si German Moreno at ng kapatid ni Hero na si Henry Angeles.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Sa kabila ng kanyang paglipat mapapansin na mangilan-ngilan lamang ang kanyang nilalahokan na mga programa sa TV at masasabi natin na hindi siya nagtratrabaho bilang fully pledge na artista.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Ang dahilan ng mga kaganapan na ito ay dahil mas pinili pala niya na maging isang pintor at doon niya nilaan ang kanyang oras at sarili at nagdala sa kanya sa katagumpayan na tinatamasa niya ngayon. Sa katunayan meron siyang facebook page na pinamagatang Artcetero na kung saan nagsasama at nag-uusap doon ang ibat-ibang artist ng kanilang mga likha.


Photo Courtesy: Hero Angeles | Instagram

Sabi nga ni Hero sa kanyang panayam na noong bata pa lamang siya ay talaga namang nahuhulog na ang kanyang damdamin sa pagguhit. Makikita na karamihan sa kanyang mga likha ay hayop at mga komplikadong hugis na mas maliit pa sa pang-ipit ng papel.




Leave a Reply

Your email address will not be published.