Sa edad na limamput’t walo, kitang-kita pa rin ang napakaganda at fit na pangangatawan ng aktres na si Jackie Lou Blanco

Si Jackie Lou Blanco ay isa sa mga batikang aktres sa industriya ng show business na sa murang edad na labing-walong taong gulang ay marami na siyang nagawang palabas at pelikula na talaga namang sinubaybayan ng kaniyang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram




Ang angkin niyang talento, kagandahan at meztisang kutis ay nakabighani ng maraming lalaki ngunit ang tanging nagwagi sa kanila ay walang iba kundi ang kaniyang asawa na si Ricky Davao, isang actor, television director at industrial engineer. Hindi man pinalad na magtuloy-tuloy ang kanilang relasyon, nagkaroon naman sila ng tatlong anak at ito ay sina Arabella, Rikki Mae at si Kenneth.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram

Sa kasalukuyan ay huminto na si Jackie Lou sa kaniyang trabaho bilang artista at pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga nakakahiligan sa buhay kagaya ng pagbabantay ng kaniyang apo na si Jacqueline sa anak na si Kenneth. Kapansin-pansin sa ilang larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram account kung ganano kaganda ang hubog ng kaniyang pangangatawan sa kabila ng edad na 58-taong gulang.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram

Maraming netizens nga ang napa-wow kay Jackie Lou at ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang magtanong kung papaano ito nagagawa ng dating aktres.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram




Maliban sa healthy diet ay kumuha rin si Jackie Lou ng sariling trainor upang makamit ang hinahangad niyang hubog ng katawan dahil may pagkakataon na parang hindi tama ang kaniyang ginagawa kaya hindi siya pumapayat ayon sa gusto niya.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram

Ayon sa aktres, tatlong taon ang nakaraan ay mayroong problema ang aktres sa pagbabawas ng timbang. Hindi niya alam kung ano ang problema or saan siya nagkulang na nagresulta nang kaniyang pagkabigo. Hanggang sa nakilala niya ang isang trainor at dito na unti-unti nabawasan ang kaniyang timbang at mas naging fit ang pangangatawan.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram

Sa kaniyang edad ngayon ay napagtanto niya na lahat ng bagay ay may pinagdadaanang proseso at hindi dapat minamadali upang maging maganda ang magiging resulta nito.


Photo Courtesy: Jackie Lou Blanco | Instagram

Hindi mapagkakaila na hanggang ngayon ay young looking pa rin ang beteranang aktres na ito dahil na rin siguro sa kaniyang healthy lifestyle kung saan madalas itong mag diet at mag ehersisyo upang mapanatili ang kaniyang great body.




Leave a Reply

Your email address will not be published.