Bawat pelikulang ating napapanuod ay mayroon tayong natatangi na paboritong artista dahil sa husay nilang pagganap sa kanilang papel at sa taglay nilang kagandahan at kagwapuhan. Hindi natin maikakaila na talaga namang sinusubaybayan natin ang kanilang paglabas sa kahit anong programa upang masaksihan ang kanilang husay sa pag-arte.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Ngunit paano naman kung hindi na natin nasusubaybayan ang paborito nating artista dahil sa kanilang paglisan sa mundo ng showbusiness.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Isa na rito ang gumanap bilang Darna na si Anjanette Abayari noong 1994 na talaga namang kinagiliwan at pinagpantasyahan ng maraming kalalakihan dahil sa taglay nitong kagandahan at hubog ng katawan. Kasama niya sa nasabing palabas sina Edu Manzano, Rustom Padilla, Pilita Corales, Bong Alvarez at Cherry Gil.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Si Anjanette Abayari ay isang beauty queen na kung saan inihalintulad ang kaniyang kagandahan kay Catherine Zeta Jones na isang Welsh actress.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Noong taong 1991 ay nanalo siya bilang Binibining Pilipinas Universe ngunit dahil sa kaniyang isang pagiging American citizen ay hindi natuloy ang nasimulang laban kaya naman pinalitan siya ni Maria Lourdes Gonzalez. Hindi man naipagpatuloy ang nasimulang laban sa Miss Universe ay madami naman ang bumuhos na proyekto sa kaniya upang maging artista.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Nagbago ang kapalaran ni Anjanette nang hindi inaasahang pangyayari sa kaniyang buhay na nagdulot ng pagkasira ng kaniyang karera noong Oktubre 1999 na naging sanhi ng kaniyang pagka-ban sa bansang Pilipinas ng ilang taon.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Bumalik si Anjanette sa Pilipinas noong Enero 31, 2015 kasama ang kaniyang dalawang anak na lalaki upang dumalo sa isang family reunion sa Iloilo.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
At hindi kalaunan ay nahanap ni Anjanette ang taong magpapatibok ng kaniyang puso at noong March 2018 ay na-engaged siya sa isang Pastor sa Amerika na si Gary Pangan. Buong pusong tinanggap ni Gary ang mga anak ni Anjanette mula sa nakaraan nitong karelasyon, at ang pangalan ng kaniyang mga anak ay sina Aiden at Ashton.
Photo Courtesy: Anjanette Abayari | Instagram
Makikita at mapapanuod naman sa YouTube channel ni Anjanette ang mga Bible Verses na kaniyang ina-upload. Samantalang ang kaniyang partner na si Gary ay ang travel adventures naman nilang dalawa sa iba’t ibang lugar ang ina-upload nito.