“For better or for worse…” ito ang binibitawang pangako ng bawat mag-asawa sa harap ng Diyos mula sa araw na ikinasal sila. Ito ang pinakamahalagang pangako ng mag-asawa sa isa’t-isa na dapat ay mapanindigan nila. Ang pasukin ang mundo ng pag-aasawa ay hindi puro saya at romantic lamang.
Photo Courtesy: Vandolf Quizon | Instagram
Darating ang oras na susubukin ng mga pagsubok ang tatag ng inyong pagsasama at pagmamahalan sa isa’t-isa. Ngunit, anumang bagyo, hirap at problema ang dumating, bilang mag-asawa ay dapat magtulungan at alalayan ang isa’t isa. Katulad na lamang ng mag-asawang Vandolf Quizon at Jenny Quizon na sa tinagal-tagal na nila bilang mag-asawa ay hindi pa rin nawawala ang tamis ng kanilang pagmamahalan.
Photo Courtesy: Vandolf Quizon | Instagram
Masaya sila dahil kaunting panahon nalang ay ipagdidiriwang na nila ang kanilang dalawang dekada bilang mag-asawa. Ibinahagi ni Vandolf na ang kaniyang sekreto kung bakit tumagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ito ay ang pagiging loyal niya kay Jenny.
Photo Courtesy: Vandolf Quizon | Instagram
Isinaad din ni Vandolf na ayaw niyang masira ang kanilang pamilya. Naikuwento naman ni Vandolf sa programa ni Boy Abunda ang naging sitwasyon at pinagdaaan niya sa buhay pagdating sa pamilya.
Photo Courtesy: Jenn Quizon | Instagram
Saad ni Vandolf na hindi niya parehong sinisisi ang kaniyang magulang sa pagkakaroon ng isang broken family at pagkakaroon ng maraming kapatid sa labas na kung saan ay makikita namang nagkakasama at nagkakaroon naman sila ng bonding bilang magkakapatid.
Photo Courtesy: Jenn Quizon | Instagram
Dagdag pa ni Vandolf na hindi niya ipaparanas sa kaniyang pamilya at mga anak ang kaniyang naranasan noong bata pa siya, dahil gusto niyang magkaroon ng isang huwarang pamilya at gusto niya rin na sa kanilang mga asawa tatakbo ang kanilang mga anak kung sakaling magkaroon ng problema ang mga ito.
Photo Courtesy: Jenn Quizon | Instagram
Sinabi pa niya na tanging ang asawang si Jenny lang ang gusto niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda at tanging hiling niya lang ay buo ang kaniyang pamilya. Kaya naman ang masaya at matatag na pagmamahalan nina Vandolf Quizon at Jenny Quizon ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Vito Quizon at Gabrielle Avante.
Photo Courtesy: Jenn Quizon | Instagram
Kaya naman, masasabi natin na ang pagsasama ng mag-asawa na may matatag na pundasyon ay hindi basta-basta natitinag ng mga hamon ng buhay.