Ito na ngayon ang buhay ng napakagandang aktres at Encantadia Star na si Diana Zubiri

May mga kilalang personalidad at artista na talagang nilisan na ang mundo ng showbusiness at masayang namumuhay ng normal kasama ang kanilang pamilya. Natatandaan mo pa ba ang isa sa pinakamaganda at kilalang aktres na si Diana Zubiri? Ang totoong pangalan ni Diana Zubiri ay Rose Marie Joy Garcia na sa ngayon ang aktres ay tatlumpu’t pitong taong gulang.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram




Kung ikaw ay masugid na tagapanuod at tagasubaybay ng panggabing programa ng Kapuso network na Encantadia noong taong 2005, malamang ay kilala mo siya at hinding-hindi mo makakalimutan ang kaniyang karakter bilang si Hara Danaya.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram

Matapos lisanin ni Diana ang mundo ng showbusiness ay marami na ang hindi nakasubaybay sa takbo ng kaniyang buhay. Si Alex Lopez ang unang naging asawa ni Diana na sa kasamaang palad ay maagang nabiyuda. Ngunit ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng anak na si Joaquin Achilles Garcia.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram

Iniwan man ng unang taong minahal ay may dumating naman upang bigyang saya muli ang kaniyang puso. Masuwerte ang naging pangalawang pag-ibig ni Diana dahil nakilala niya ang ngayo’y kaniya nang asawa na si Andy Smith isang Philippine-Australian at kilala bilang isang businessman at model.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram





Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram

Nagproposed si Andy kay Diana sa Tokyo Japan at ikinasal ang dalawa noong Mayo 10 taong 2015. Ang matamis na pagmamahalan at pagsasama ng dalawa ay nagbunga.
Kaya naman isinilang ni Diana ang kaniyang pangalawang anak at unang anak niya kay Andy Smith na si Aliyah Rose Smith noong Agosto 14, 2016.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram

Nasundan pa ang kanilang anak, dahil isinilang naman ni Diana sa Makati Medical Center ang kapatid ni Aliyah na si Amira Jade Smith noong Setyembre 14, 2020.
Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Diana kay Amira dahil naging maselan ang pagbubuntis niya dito.


Photo Courtesy: Diana Zubiri | Instagram

Hindi man naging madali at madaming issue ang pagiging star ni Diana noon, makikita naman ngayon na siya ay mayroon nang isang buo at masayang pamilya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.