Kilalanin ang napakagandang ate ng aktres na si Andrea Brillantes na nagngangalan na Kayla Aan

Isa sa mga hinahangaan natin na artista sa panahon ngayon ay si Andrea Brillantes. Sa kabila ng lahat ng tagumpay ni Andrea, hindi natin inakala na mayroon siyang isa pang kapatid na kasing ganda at halos kamukha ng aktres.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram




Nakilala natin ang aktres na si Andrea Brillantes noong una siyang maging parte sa programa na pinamagatang “Goin’ Bulilit”. Dito nakilala ang nasabing aktres at nang dahil sa kanyang taglay na natural na kagalingan sa pag-arte kaya’t siya ay nabigyan ng iba’t-ibang programa na kanyang pinagbidahan.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Sa kanyang panahon ngayon ay isa na siya sa mga kilalang artist na namamayagpag sa mundo ng showbusiness. Hindi lamang natin matutunghayan ang nasabing artista sa programa sa telebisyon sapagkat nakikita din natin ito sa iba’t-ibang social media platforms at talaga namang nakakabighani ang kanyang ganda.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Hindi natin aakalain na meron pa palang kapatid ang nasabing aktres na masasabing kasing ganda nito na mapaghihinalaan natin silang dalawa na kambal.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Ang nasabing kapatid ni Andrea Brillantes ay nagngangalang Kayla Aan Brillantes at hindi mo mapagkakaila na sila ay hindi magkapatid, dahil tulad ng nasabing aktres sila ay mayroon magkaparehong facial features na talagang kahuhumalingan at hahangaan ng marami.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram




Sa kabila ng hindi pagiging artista masasabi mo pa rin na siya ay sikat dahil meron din siyang mga tagahanga tulad ng kanyang kapatid na aktres at ito ay aabot ng hanggang daang libong tagasuporta.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Isa sa mga hilig ni Kayla Aan ang magsuot ng mga magagandang damit at makikita naman na bagay ang mga ito dahil sa kanyang magandang hubog ng katawan. Hindi lamang kagandahan at kasikatan meron si Kayla dahil noong nakaraan lamang ay nagtapos siya sa kolehiyo sa San Beda.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Kung atin naman sisilipin ang kanyang Instagram account matutunghayan natin ang iba’t-ibang larawan na magkasama ang magkapatid na kung saan masasabi natin na sila ay malapit sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Kayla Aan Brillantes | Instagram

Hindi man siya artista at kasing-sikat ni Andrea Brillantes pero aminin natin na silang dalawa ay magkasing ganda na minana nila sa kanilang mga magulang. Ang magkapatid na Brillantes ay talaga namang kaabang-abang at pinapanuod dahil sa kanila natin matutunghayan ang marami pang bagay na pagkakalibangan natin sa pamamagitan ng pagsubaybay sa kanila.




Leave a Reply

Your email address will not be published.