Isang ganap nang binata at dalaga ang kambal na anak ni Aga Muhlach

Naalala mo pa ba ang mga panahon kung saan ang pamilya ng mag-asawang Aga at Charlene Muhlach ang mukha ng kilalang fast food chain sa Pilipinas? At talaga namang nakakatakam ang mga eksena rito ngunit mas humanga ang mga dating nakasubaybay sa patalastas na ito dahil sa kambal na anak ng mga Muhlach na sina Andres at Atasha.


Photo Courtesy: Atasha Muhlach | Instagram





Photo Courtesy: Atasha Muhlach | Instagram

Sa ngayon ang kambal ay ganap nang dalaga at binata, at kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga netizens sa mga taglay nitong kagandahan at kagwapuhan. Feel old yet na ba ang peg natin dito dahil sa bilis nang paglipas ng panahon hindi na natin namalayan na ang mga dating chikiting at sobrang cute na mga anak nina Aga at Charlene ay mga ganap nang teenager?


Photo Courtesy: loveandresandatasha | Instagram


Photo Courtesy: loveandresandatasha | Instagram

Nito lamang mga nagdaang mga taon ay muli nating nakita ang pamilyang Muhlach sa isang komersyal ng kilalang fast food chain na kasama ang mga anak na kung saan nagkaroon pa ng mga flashback nang dati niyang komersyal kasama ang kanyang buong pamilya na pinapakita rin ang kanyang kambal na anak na sina Atasha at Andres.


Photo Courtesy: loveandresandatasha | Instagram


Photo Courtesy: loveandresandatasha | Instagram




Dahil dito natuklasan ng netizens ang mga pagbabago sa kambal na Muhlach na talaga namang ikinatuwa nila at humantong pa sa pagkakaroon agad ng kambal ng mga tagahanga. Hindi inaakala ng mga netizens na makikita nila muli ang pamilyang Muhlach sa komersyal dahil sa tagal na nitong nagpahinga sa pagharap sa showbusiness.


Photo Courtesy: loveandresandatasha | Instagram


Photo Courtesy: Andres Muhlach | Instagram

Kung ating matatandaan na si Aga Muhlach ay matagal nawala sa showbusiness at nito lamang mga nagdaang taon ay muling nagbalik ito para gampanan ang kanyang role sa mga latest movie niya na pinamagatang 7 Sundays at Filipino Adaptation ng Miracle in Cell No. 7 na talaga namang hinangaan ng maraming mga Pilipino dahil sa walang kupas at galling sa pag-arte ng aktor.


Photo Courtesy: Andres Muhlach | Instagram


Photo Courtesy: Andres Muhlach | Instagram

Sadyang napakabilis ng panahon na hindi natin namamalayan na ang ating mga iniidolo ay unti-unti nang nagkakaedad, maging ang kanilang mga anak ay nagdadalaga’t binata na. Nakakatuwa pagmasdan dahil parang naging parte na rin ng buhay natin sila.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *