Ibinahagi ni Gabbi Garcia ang kaniyang karanasan sa pagsakay ng eroplano kung saan naka-duty ang kaniyang ina bilang Flight Attendant

Hindi biro ang maging isang magulang sapagkat napakalaking responsibilidad ang nakaatang kung ikaw ay nagbabalak na maging isang ina o ama. Kahit sinong magulang ay nais matugunan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram




Kung kaya’t malaking bagay ang pagkakaroon ng magandang propesyon o trabaho upang mabigyan ng sapat ang mga bata na pinapaaral at pinapalaki.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Tunay ngang napakasuwerte ng karamihan ng mga bata sa henerasyon ngayon sapagkat ang mga kasalukuyang young parents ay nagsusumikap na kumayod ng husto para sa kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Gayunpaman mayroon pa ring iba na hindi pinapalad dahil na rin sa hirap makahanap ng trabaho at kung makakita man ay hindi naman kalakihan ang sahod na sapat lang para sa pang-araw-araw na gastusin.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Isa nga sa mga mapapalad na anak ay si Gabbi Garcia sapagkat mayroong magandang trabaho ang kaniyang ina kung kaya’t sapat na natutugunan ang mga pangangailangan nila ng kaniyang kapatid.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram




Ngunit ang pinakanakakatuwa dito ay ang pangyayari na kung saan nakasakay si Gabbi sa eroplano kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ina bilang isang flight attendant. Isang F.A ang ina ng aktres na si Gabbi Garcia kung kaya’t nang magtagpo sila sa eroplano ay espesyal na pag-asikaso ang ginawa ng kaniyang ina.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Kasa-kasama ni Gabbi ang kaniyang napakaguwapong nobyo na si Khalil Ramos na parehong patungo sa Estados Unidos upang magbakasyon. Ayon kay Gabbi, ito ang pinakaunang out of the country nila ni Khalil Ramos at walang kasamang magulang.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Gabbi Garcia sa kaniyang mga magulang dahil pumayag at nagtiwala sila sa kaniya na makapagbakasyon nang sila lamang dalawa ng kaniyang nobyo.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Ayon pa kay Gabbi, inayos ng kaniyang ina ang iskedyul nito sa kaniyang duty bilang flight attendant upang maasikaso ng mabuti ang kaniyang anak at si Khalil patungo sa US.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Ang tunay na pangalan ni Gabbi Garcia ay Gabrielle Louise Ortega Lopez, siya ay isang Filipina actress at recording artist. Siya dalawampu’t tatlong taong gulang na ngayon at kasalukuyang isang kapuso actress.




Leave a Reply

Your email address will not be published.