Mayroon talagang mga pag-iibigan na hindi pinapalad na magtuloy-tuloy hanggang dulo. Ito ay sa kadahilanang mayroong mga bagay na hindi pinagkakasunduan ang magkabilang panig at may ilan naman na hindi nakukuntento dahilan upang matukso sa iba na ang resulta ay pagtatapos ng relasyon.
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Kung kayo ay magkasintahan pa lamang o wala pang anak, hindi ito gaano kahirap sapagkat wala pang maaapektuhan na mga bata at wala rin namang legal na papeles na kailangang pagdaanan bago tuluyang maghiwalay.
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Ang isa sa napakahirap na sitwasyon ay nakapagpakasal na kayo ngunit sa kasamaang palad kayo ay naghiwalay at tuluyan nang nasira ang relasyon dagdag pa ang mga inyong mga anak na labis na maaapektuhan sa nangyari.
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Gayunpaman, sa panahon ngayon ay nauuso na ang co-parenting, ito ay ang proseso ng pagkakasundo ng mga magulang ng bata na magkaroon ng parehong karapatan na alagaan at tustusan ang kanilang anak ngunit sa bata na lang nakatuon ang kanilang atensyon at wala na sa romantikong relasyon ng isa’t-isa.
Photo Courtesy: Honey Glaze Cakes | Facebook
Isa na nga sa halimbawa nito ay ang aktor na si Carlo Aquino at Trina Candaza na kapwa nagkasundo na magkaroon ng karapatan na alagaan ang kanilang anak na si Enola Mithi kahit na sila’y tuluyan nang naghiwalay. Kamakailan nga lamang ay magkasamang nagdiwang ang dating magkarelasyon ng ikalawang kaarawan ng kanilang anak na si Enola.
Photo Courtesy: Honey Glaze Cakes | Facebook
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Ito nga ang muling pagkikita ng dating magpartner na sina Carlo at Trina na talagang ikinatuwa ng kanilang pamilya at mga netizens dahil alang-alang sa bata sila ay nagkasundo na ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang unica hija.
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram
Ang kanilang litrato ay opisyal na kuha ng Nice Print Photography na ibinahagi naman sa facebook ng page na Honey Glaze Cakes. Kung mapapansin sa mga litrato, ang tema ng birthday medyo elegante, samantalang ang birthday girl naman ay mapapansin na nag-uumapaw sa kacute-an.