Marami sa atin ang nauubos ang oras nang kahahanap ng ikasasaya natin, minsan nga raw iniaasa pa natin sa iba ang magiging kaligayahan natin sa buhay na kung minsan kapag nagkakaproblema naisisisi pa natin sa iba.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Ang tunay na susi raw sa kaligayahan ay ang matuto kang magpasalamat sa lahat ng bagay na dumarating sa buhay mo, ito man ay maliit o malaki. Kung marunong kang magpahalaga sa maliliit na mga bagay, dito ay mas madali ka ng makakahanap ng dahilan ng ikasasaya mo.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay may mga hinahangaan at iniidolong tao. Sa sobrang paghanga natin sa kanila ay may mga bagay na nagagawa tayo sa sarili at sa ating buhay na kung minsan hindi na natin naiisip kung maganda at tama pa ba ito, ang alam lang natin ay sumasaya tayo.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Katulad na lamang ni Herlene Budol o mas kilala nang nakararami bilang si Hipon Girl. Sa sobrang paghanga niya sa kaniyang iniidolong artista na si Alden Richard ay may mga bagay na nagawa siya na hindi makakabuti para sa kaniyang pag-aaral.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Nagawa niyang hindi pumasok sa kaniyang klase para lang mapanuod si Alden sa isa sa mga inaabangan at tinitiliang segment na “Kalyeserye “ nang sikat na noontime show na Eat Bulaga. Ito ay kaniyang inamin sa isang media conference kasama ang Rejuviant body wash and lotion.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Dagdag pa ni Herlene na minsan na siyang na-bash ng mga tao dahil sa ginawa niyang pag-amoy at paghalik sa aktor. Ngunit binalewala lang niya iyon, dahil ayon sa kaniya lahat ay kaniyang gagawin para sa taong hinahangaan niya.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Sa sobrang paghanga niya sa aktor ay inamin pa ni Herlene na sana ay magustuhan din siya ni Alden. Ibinunyag din niya na labis ang kaniyang hangarin na makatrabaho o kahit makipag-collab lang kay Alden, na binansagang “Pambansang Bae”.
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Photo Courtesy: Herlene Budol | Instagram
Saad ni Herlene na hanggang ngayon, si Alden parin ang kaniyang ultimate crush. Kamakailan lamang ay sumali siya sa Binibining Pilipinas 2022 at itinanghal bilang 1st Runner-Up at ginawaran ng parangal bilang Miss Planet Philippines 2022.