Niregaluhan ni Derek Ramsay ang kaniyang napakagandang asawa na si Ellen Adarna ng mamahaling sasakyan

Minsan ay mayroon tayong nakikitang mga nakakasabik na balita sa ating mga telebisyon o kaya sa ating social media na nagbibigayan ng regalo sa mga sikat na artista dahil sa isang mahalagang kaganapan ng kanilang buhay. Ang mga regalo na kanilang ibinibigay ay sumisimbolo sa kanilang taos-pusong pasasalamat at pagmamahal.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram





Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Ang regalo ay maaaring bulaklak, pagkain, ticket sa isang tour, bahay, lupa at maging mamahaling sasakyan. Tayo namang nakakapanuod ay lubos na natutuwa sa mga kaganapan na ito lalo na kung ang balita na ganito ay tungkol sa ating mga iniidolo.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Tulad na lamang ni Derek Ramsay na maagang nagbigay ng regalo sa kanyang asawa na si Ellen Adarna. Naging usap-usapan ang dalawang ito nitong mga nagdaang taon dahil sa pagmamahalan na kanilang ipinakita sa isa’t-isa. Dahil dito, walang nakapagpigil ng kanilang nararamdaman sa isa’t-isa at ito nga ay humantong sa isang masaya at engrandeng kasalan.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram




Bago pa man dumating ang anibersaryo ng kanilang kasal ay maagang nagbigay ng isang mamahaling regalo ang aktor sa kanyang asawa na si Ellen Adarna. Makikita sa bidyo na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account na masayang nagmamaneho ang aktres sa kanyang bagong luxury car na Bentley.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Ang bidyo na ito ay may kasamang maiksi ngunit nakakakilig na mensahe si Derek sa kanyang asawa na maaga niya itong binabati para sa kanilang anibersaryo. Mababasa din sa mensahe ang lubos nitong pasasalamat kay Ellen dahil sa hatid nitong walang katapusang saya at pagmamahal sa kanya.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Mababasa din ang nakakaaliw na komento ng aktres sa post ng aktor na nagsasabi na number 1 pa din sa kanyang puso ang quality time na may kasamang pag-yakap at halik ng aktor sa kanya. Marami sa mga netizens ang natuwa sa mga napanuod nila sa bidyo at nagpahatid ng kanilang mga pagbati para sa dalawa. Mararamdaman mo talaga ang nag-aalab na pagmamahalan nina Derek at Ellen sa isa’t-isa.




Leave a Reply

Your email address will not be published.