Ang litratong ito ang nagpatunay na kay Doug Kramer nakuha ni Kendra ang kaniyang napakagandang mukha

Sa panahon ngayon ng mga modernong ina, kalimitan nating maririnig at mababasa sa kanilang post matapos nilang manganak ay ang pabirong pahayag na sa loob ng siyam na buwan nilang dinala sa sinapupunan ang kanilang anak at pinaghirapang ilabas mula sa sinapupunan, ang magiging resulta lamang ay kamukhang-kamukha ng kanilang ama.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram




Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Doug Kramer ang kanilang larawan ng kaniyang anak na panganay na si Kendra Kramer. Ang larawang kaniyang ibinahagi ay kuha noong siya ay labing tatlong taong gulang pa lamang at kasalukuyang edad din ni Kendra.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Talaga namang makikita sa nasabing larawan na pinagbiyak na bunga ang mag-ama. Ang nasabing larawan ay may caption na “Doug at Dougita”. Maraming mga netizens ang napahanga at sumang-ayon na talaga namang pinagbiyak na bunga ang mag-ama at maging ang mga kilalang artista ay sumang-ayon din.


Photo Courtesy: Doug Kramer | Instagram

Ikinasal sina Doug Kramer at Francesca Marie Velasco Garcia o mas kilala ng lahat bilang si Cheska Garcia Kramer noong Oktubre 9, 2008. Ang kanilang pagmamahalan ay pinagkalooban ng tatlong mababait at mapagmahal na mga anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix Kramer.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Ngunit bago pa man magkakilala ang dalawa, si Doug Kramer ay isa nang kilalang manlalaro sa larangan ng basketball at kasama sa Philippine Basketball Association. Samantalang si Cheska Garcia naman ay isang artista at TV Host.





Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Subalit ng kalaunan ay nilisan ni Cheska ang mundo ng showbiz upang buong husay na magampanan ang kaniyang pagiging isang ina at mabuting asawa. Kung ikaw ay tagahanga at tagasuporta sa kanilang Facebook at YouTube Channel, talaga namang masusubaybayan mo ang mga pangyayari at kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Tunay nga na maraming pagsubok ang darating sa buhay ng mag-asawa at pamilya, ngunit kung kayo ay nagmamahalan, may tiwala sa isa’t-isa, at higit sa lahat ang Diyos ang inyong sandalan at takbuhan ang lahat ng ito ay inyong malalagpasan at mapagtatagumpayan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *