Kasama sa ating pagtanda ay ang pagdami din ng mga taong ating nakakasalamuha at nakikilala sa buhay. Ang mga tao na ito ay nakilala natin sa ating paglalakbay sa buhay at maaaring maging kaakibat natin sa ating paghihirap at tagumpay.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Ngunit hindi lahat ng ating nakikilala ay mayroong magandang dulot sa ating pagkatao. Dahil ang iba ay pupwedeng makaapekto sa kalusugan ng ating pag-iisip na pwedeng magdulot ng labis na pangamba at pagkalumbay. Kung kaya dapat tayo’y maging maingat at mapagmatiyag para sa mga taong pagkakatiwalaan natin.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Tulad na lamang ng aktres at ngayo’y isa nang businesswoman na nagbahagi ng mga katangian ng mga taong dapat natin layuan. Hindi na iba sa atin si Neri Miranda na asawa ng isa sa mga kilalang bokalista nang banda na si Chito Miranda.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Madalas ay nababalitaan natin siya dahil sa mga matagumpay niyang investment o kaya negosyo. Madalas din niyang pinapakita sa kanilang social media account ang walang hanggang pagmamahal niya sa kanyang asawang si Chito.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Dahil dito marami sa mga netizens ang talagang humanga sa aktres dahil sa sipag at galing nito sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang pamilya. Nito lamang mga nagdaang araw ay nagbahagi ang aktres ng isang listahan kung saan ay napapaloob dito ang mga katangian ng taong dapat nating iwasan.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Narito ang mga sumusunod na katangian ng tao na dapat iwasan o layuan ayon kay Neri Miranda:
1. Natutuwa sa kabiguan ng ibang tao;
2. Nagseselos sa tagumpay na nakakamit ng iba;
3. Gusto palagi na siya ang pinag-uusapan;
4. Mahilig pumuna or manira ng ibang tao kapag wala ito sa harapan nila; at
5. Mahilig mag manipula ng mga bagay upang sumang-ayon sa kanya.
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram
Kung sa tingin mo ay may kakilala kang nagtataglay ng mga ganitong katangian dapat mo na silang layuan. Sa kadahilanang sila pa ang magiging dahilan ng pagkasira ng iyong personal growth at kalaunan maging ang iyong buhay.