Ang pagkakaroon ng matalik, mapagmahal, makakaramay na kaibigan, at handang tumulong sa mga nangangailangan ay isang malaking regalo. Bihira ka makahanap ng mga taong nandiyan para sayo at kaya kang maipagmalaki sa kahit sinong tao at higit sa lahat ang maging masaya sa kung anong meron at narating ka sa buhay.
Photo Courtesy: Randy Santiago | Tiktok
Kamakailan lamang ay ibinida at ipinagmalaki ni Randy Santiago ang mamahaling sasakyan ng kaniyang kaibigan na si Willie Revillame. Mapapanuod ito sa isang bidyo kung saan ay magkasama silang bumaba sa helicopter ni Willie. Maririnig mo rin sa nasabing bidyo ang pagtawag niya Willie ng “Capt. Willie”.
Photo Courtesy: Willie Revillame | Instagram
Mula sa kanilang pagbaba ay tumungo sila sa isang sasakyan na talaga namang iyong mapapansin na ito ay isang mamahalin at sikat na tatak nang sasakyan.
Photo Courtesy: Randy Santiago | Instagram
Masasabi mo talagang, sadyang mapagbiro ang tadhana. Dahil kung ating babalikan ang buhay na mayroon si Willie bago niya nakamit at tinatamasa ang mga bagay na mayroon siya ngayon, masasabi mo nalang na talagang napaka-swerte niya na para bang sumang-ayon sa kaniya ang ikot ng mundo.
Photo Courtesy: Willie Revillame | Instagram
Si Willie Revillame ay dating drummer, naging sidekick ng mga kilalang artista sa iba’t-ibang palabas sa telebisyon, nagawa rin niya ang maging alalay ng mga bigating artista at isa rin siyang mang-aawit magpahanggang sa ngayon.
Photo Courtesy: Randy Santiago | Instagram
Ang dating umaalalay ngayon inaalalayan na rin,si Willie Revillame ay kabilang sa mga pinakamayamang artista. Ang kaniyang sipag, dedikasyon, husay at galing sa pagiging host ang nagdala at nagbigay sa kaniya ng mga bagay na mayroon siya ngayon.
Photo Courtesy: Randy Santiago | Instagram
Gayunpaman, dahil sa pagkakaroon niya ng busilak na kalooban ay hindi niya nakakalimutang ibahagi sa kaniyang mga kababayan ang mga bagay na mayroon siya lalong-lalo na sa mga taong kinakapos at nangangailangan nang tulong.
Photo Courtesy: Randy Santiago | Instagram
Naging takbuhan si kuya will ng mga nangangailangan at talagang pursigido rin naman siyang tumulong, isa na rito ang pagbenta niya ng kaniyang mamahaling sasakyan upang makapagbigay ng tulong sa mga taong apektado ng bagyo. Kamakailan nga lamang ay personal niyang inabot ang kaniyang tulong para sa mga taga-Marikina.