Ito ang napakagandang bahay ni Heart Evangelista na matatagpuan sa Quezon City

Sino nga ba ang hindi nagkaroon ng paghanga sa nag-iisang Heart Evangelista? Maliban sa biniyayaan ng magandang itsura ay mayroon din siyang busilak na kalooban.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala ng lahat bilang si Heart Evangelista ay isang magaling na aktres, mahusay na pintor, at modelo ng mga damit, sapatos at maging bag ng mga iba’t-ibang sikat at kilalang brand tulad ng Louis Vuitton, Chanel, Fendi, Prada, Hermes at Gucci.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Bukod sa nanggaling na siya sa mayamang pamilya, ang kaniyang kasipagan, tiyaga at dedikasyon pa rin sa trabaho ang naghatid at nagbigay sa kaniya ng mga bagay na mayroon siya ngayon. Kung ikaw ay kaniyang masugid na tagahanga sa Facebook at maging sa YouTube marahil ay iyo nang nakita ang mga naggagandahan at mamahalin niyang mga bag, damit sapatos at alahas.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Silipin natin ang kaniyang magandang bahay na matatagpuan sa Quezon City. Ayon sa kaniya, siya mismo ang nagdisenyo at nag style ng nasabing bahay. Kung saan ito ay sumisimbolo ng kaniyang pagiging mature at pagtayo sa sariling paa.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok mo palang ay iyo nang makikita ang napakagandang living area na talaga namang napaka-elegante. Pagdating naman sa kusina, mapapahanga ka nalang talaga dahil sa sobrang linis nito dahil sa puting pintura at nasa ayos ang lahat.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Pagpasok mo naman sa silid-tulugan ay agad na bubungad sa iyo ang kisame na pininturahan ng asul naginuhitan ng langit at ulap. Ang kaniya namang banyo ay sumisimbolo nang kaniyang pagiging isang babae. Angnasabing bahay ay mayroon ring lugar kung saan pwede siyang mag-aral at magtrabaho.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Siyempre hindi naman mawawala ang kaniyang walk-in closet na pininturahan ng kulay rosas at white stripes. Mayroon ding storage area kung saan nakalagay ang kaniyang mga alahas.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

At higit sa lahat, mayroon din itong outdoor nook, isang lugar sa kaniyang bahay kung saan siya ay nagpipinta ng kaniyang mga master piece.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Si Heart Evangelista ay ikinasal kay Francis Escudero noong Pebrero 15, 2015 sa Balesin Island, malapit sa Polillo, Quezon. Siya ay naging First Lady ng Sorsogon ng manalo bilang Governor si Francis Escudero.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *