Nakakabilib ang kakayahan ng dating PBB Housemate na si Rita Gaviola na nagagawang pagsabayin ang pag-aaral at pagiging isang ina

Bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang pinagdadaanan at suliranin sa buhay. May kasabihan nga tayo na, “Don’t Judge the Book by its Cover”. Sa mga balitang iyong napapanuod sa Telebisyon at nababasa sa social media na maraming mga kabataan ang nagiging batang ina na kung saan ay hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Marahil ay maraming katanungan ang tumatakbo sa iyong isipan.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram




Isa na rito kung paano nila maibibigay ang pangangailangan ng kanilang magiging anak gayong wala naman silang trabaho at kung sino ang mag-aalaga sa kanilang anak kung sakaling ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral?


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram

Isa na si Rita Gaviola sa nakaranas ng ganitong sitwasyon, saan nga ba siya humuhugot ng lakas ng loob upang makayanan niyang ipagsabay na magampanan ang pagiging isang ina sa kaniyang anak at pagiging estudyante.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram

Kamakailan lamang ay nagpost siya sa kaniyang Instagram account ng mga larawan ng kaniyang mga gawain sa paaralan ganoon din ang mga larawan ng kaniyang anak na si baby Kia. Ang nasabing post ay may kalakip na mensahe, “Hindi madali pero kakayanin para sa kinabukasan”, ani Rita.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram




Ang nasabing post ay umani ng mga positibong komento mula sa kaniyang mga tagahanga. Ang iba ay nagkomento pa na, “Ang sumusuko ay hindi nagwawagi, at ang nagwawagi ay hindi sumusuko”.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram

Gayahin natin si Rita, hindi dahil sa nagkaanak siya ng maaga, kundi dahil sa lakas ng kaniyang kalooban na magsumikap, paglabanan ang mga hadlang, at hamon sa buhay upang makamit ang mga pangarap. Hindi lang para sa kaniya kundi para rin sa kaniyang pamilya.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram

Unang nakilala si Rita Gaviola nang mag-trending sa social media ang kaniyang larawan na kuha ng isang photographer na si Topher Quinto Burgo sa isang festival sa Lucban, Quezon. Iyon ang araw na nagpabago sa buhay  niya at ng kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram


Photo Courtesy: Rita Gaviola | Instagram

Mas lalo siyang sumikat nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 sa edad na labing-tatlong taong gulang. At siya ang kauna-unahang naging housemate ni Kuya na napapabilang sa Pangkat ng Katutubo.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *