Si Iya Villania pala ang nag-first move noon upang maging magkasintahan sila ni Drew Arellano

Sa sobrang bilis lumipas ng panahon, may mga pagkakataon na hindi na natin namamalayan na matagal na palang nagsasama ang isa sa mga paborito nating mga celebrity couple. Kahit matagal na natin sila nakikita at napapanuod sa iba’t-ibang show ay may mga bagay na hindi pa din natin alam ng lubusan tungkol sa kanilang buhay.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram




Maraming mga bagay at kaganapan sa kanilang buhay ang gusto pa din nating malaman. Tulad na lamang kung papaano nagsimula ang mahaba nilang pagmamahalan patungo sa isang masayang pamilya.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Masuwerte na lamang tayo kung dumating ang araw na biglang magbahagi ang mga ito tungkol sa kanilang unang taon ng kanilang unang pagkakilala. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na celebrity couple at kinakikiligan ng karamihan na sina Drew Arellano at Iya Villania.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Kadalasan alam natin na pagdating sa showbusiness, ang lalaking artista ang madalas gumagawa ng unang hakbang upang mapaibig ang aktres na kanilang napupusuan. Ngunit sa kaso ng mag-asawang ito ay iba, dahil si Iya umano ang unang gumawa ng hakbang ngunit na turn off si Drew. Itong kaganapan na ito ay naibunyag sa isang podcast na pinamagatang “Life with the Arellanos”.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Bigla na lamang naikwento ng mag-asawa ang una nilang pagkikita noong 2003 sa isang youth-oriented show na pinamagatang “Click”. Kung saan sa una nilang pagkikita ay alam na agad umano nilang dalawa na type nila ang isa’t-isa.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Pagmamalaki naman ni Iya Villania na noong panahon na iyan ay si Drew umano ay hindi tulad ng ibang male stars na nakikipag flirt agad. Tugon naman ni Drew, sa kadahilanan na hindi niya pinagsasabay ang trabaho sa kanyang personal life.





Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Sa kabila ng pagkagusto ni Drew kay Iya ay itinuring pa din niya itong tila isang nakakabatang kapatid na babae. Nagawa din umano ng aktor na maging tulay sa kaibigan niyang si Sid Lucero at Iya. Ngunit hindi nagpatinag ang aktres dahil gusto talaga niya si Drew.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Dumating ang panahon na naging super close na ang mag-asawa na tila hindi na maipaghiwalay ang isa’t-isa. Sa panahon na ito ay naguluhan ang aktres kung ano nga ba ang label nila ni Drew kung kaya siya ang unang gumawa ng hakbang.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Kwento ng mag-asawa na isang araw matapos nilang magtrabaho ay bigla na lamang siyang hinalikan ni Iya na ikinagulat naman nito. Medyo na turn off ang aktor sa ginawa ng aktres at hindi umano niya aakalain na hahalikan siya nito.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Ngunit nagkaroon sila ng panahon upang pag-usapan talaga ang tungkol sa kanilang dalawa at ng kalaunan ay nauwi din sa pag-iisang dibdib.




Leave a Reply

Your email address will not be published.