Libutin natin ang bahay kung saan lumaki ang napakagandang magkapatid na sina Angelika at Mika Dela Cruz

Ang bawat isa sa atin ay mayroong isang lugar na maituturing natin na espesyal dahil dito tayo lumaki at hinubog ang ating pagkatao. Ito ay isang lugar na hinding-hindi natin malilimutan hanggang sa tayo ay lumaki at magkaedad.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Instagram





Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Instagram

Ang lugar na ito ang nagbigay sa atin ng pagkakataon na bumuo ng napakaraming masasaya at nakakalungkot na memorya na hindi natin kailanman malilimutan.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Kung kaya kahit malayo man na tayo sa mga lugar na ito dahil sa napakaraming kadahilanan tulad ng trabaho ay atin pa din nais balik-balikan. Tulad na lamang nang kilalang magkapatid na aktres na sina Angelika at Mika Dela Cruz na masayang ipinakita sa mga netizens ang kanilang bahay na kung saan sila lumaki.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Dahil sa isang request ng netizen na gusto makita ang bahay ng magkapatid na aktres. Dali-dali naman gumawa nang isang house tour vlog si Angelika na kung saan ipinakita niya ang kanilang bahay na tinatawag nila na “Casa Dela Cruz”.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube




Pagpasok pa lamang sa kanilang bahay ay kapansin-pansin agad ang laki at napakaluwag na sala nito. Samahan mo pa nang isang portrait ni Angelika na tila inaanyayahan ka papasok sa kanilang bahay.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Sa lugar na kung saan tinatanggap ang mga bisita ay bubungad agad sa iyo ang mga trophies and awards na natanggap ng magkapatid na Dela Cruz. Sa hindi kalayuan ay makikita mo din agad ang isang Mini Bar na puno ng mga napakamahal na inumin.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Hindi din magpapahuli ang kanilang dining area na kung saan napakasimple ngunit malakas ang dating. Ngunit mas nakakamangha ang malaking bakuran ng Casa Dela Cruz dahil sa sobrang laki nito.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Madalas umano ito gamitin kung mayroong mga naglalakihang gatherings na nangyayari sa bahay ng magkapatid. Maliban sa kapansin-pansin na laki ay mayroon din itong malaking altar na mas lalong nagpaganda sa bakuran ng bahay.


Photo Courtesy: Angelika Dela Cruz | Youtube

Mayroon din silang guest house na tila isang bahay na din dahil kompleto ito ng kagamitan at silid. Maliban dito ay mayroon din silang basement na kung saan doon nakatago ang mga kagamitan ng kanilang yumaong lola.




Leave a Reply

Your email address will not be published.