Silipin ang napakagandang modern minimalist condo ng fashionista aktres na si Ms. Heart Evangelista

Madalas natin makita ang pagkakaroon ng mga naggagandahang ari-arian ang mga idolo nating artista na kanilang ibinabahagi sa publiko. Nalalaman na lamang bigla natin ito dahil sa kanilang mga post sa social media. Karamihan sa mga ito ay ang mga naglalakihan na mga lupain na ginagawang taniman ng sari-saring produkto.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Ang iba naman ay ginagawang paupahan o kaya tinatayuan ng magagarbong negosyo. Dahil na din sa mga ginagawa ng mga artista na pag share ng kanilang mga naipundar ay nabibigyan tayong mga tagasubaybay ng ideya at inspirasyon sa buhay upang magsumikap. Tulad na lamang ni Heart Evangelista na mayroon isang one bedroom condo na kanyang ilaan para sa kanyang trabaho.


Photo Courtesy: RLC RESIDENCES

Kilala naman natin si Heart Evanglista na isang magarbo at talagang hindi magpapatalo pagdating sa usapan na fashion. Hindi lamang napapansin ito sa kanyang mga sinusuot na damit kundi kitang kita din ang kanyang pagiging fashionista sa mga pagmamay-ari niyang condo unit.


Photo Courtesy: RLC RESIDENCES

Nabigyan ng pagkakataon ang mga netizens na makasilip sa kanyang napakagandang condo unit sa pamamagitan nang Vlog ng aktres. Pagpasok pa lamang sa common area ay kapansin-pansin ang naglalakihan na salamin na nakapalibot dito.


Photo Courtesy: RLC RESIDENCES




Ang disenyo na ito ay inilagay upang magmukhang malaki ang common area o lugar na kung saan maaaring mag stay ang mga bisita. Pagdating naman sa kusina ng aktres ay nakamamangha na kahit maliit lamang ito ay talagang nagamit ng maayos ang bawat espasyo dito.


Photo Courtesy: RLC RESIDENCES

Hindi naman magpahuhuli ang kwarto ng aktres dahil ito ay ang orihinal na living area at ginawang kwarto. Dahil sa kalakihan ng espasyo ay mamangha ka sa laki din ng kama na makikita dito na sa unang tingin pa lamang ay tila napakalambot.


Photo Courtesy: RLC RESIDENCES

Kung atin naman dadalawin ang opisina ng aktres ay mamangha ka sa ganda at aliwalas ng disenyo nito. Sa mga shelves palang na may ambient light na kung saan makikita ang ibang kagamitan ng aktres ay nakatutuwa nang tingnan.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Samahan mo pa ng napakagandang lamesa na ginagamit niya sa tuwing siya ay nagtratrabaho. Sa vlog na ito ng aktres ay masasabi mo na lamang na tila nasa isang munting palasyo ka dahil sa mga nag-gagandahang diseniyo. Dito mo talaga masasabi na kahit maliit lamang ang iyong tirahan ay maaari mo itong mapaganda basta marunong pumili ng tamang kulay at mga kagamitan na ating ilalagay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.