Masayang ibinahagi ni Michelle Madrigal ang kaniyang bagong lalaking iniibig

Single Forever no more, yan ay nang makilala ni Michelle Madrigal ang taong bumihag muli ng kaniyang puso. Sino nga ba ang hindi nangarap na magkaroon ng kumpleto at buong pamilya?


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram




Lahat tayo ay iisa lang ang hinihiling, ang makakilala ng taong siyang magiging katuwang sa pagpapalaki ng magiging mga anak na siyang makakasama natin sa pagtanda, maging sa hirap at ginhawa na mararanasan natin sa buhay.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

“Ipinapangako kong magiging tapat ako sa iyo sa kagalakan at kalungkutan, sa kalusugan at sa karamdaman, sa bawat araw ng aking buhay”. Ito ang mga katagang naririnig natin sa dalawang taong ikinakasal na siyang ibinubuklod ng pari sa harap ng Diyos at mga tao.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, yung inaakala nating magbibigay ng saya at makakasama natin sa pagtanda ay siya rin palang wawasak ng ating puso at masayang pangarap.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

Isa na si Michelle Madrigal sa nakaranas ng ganitong klase ng senaryo. Ikinasal kay Troy Woolfolk na kung saan ay nagbunga ang kanilang matamis na pagmamahalan, ngunit nang kalaunan ay nauwi din sa hiwalayan.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram




Sa pagkawasak at pangungulila ng kaniyang pusong sugatan, aakalain mo nga namang makikilala niya pa ang taong hihilom nito. Kaya naman, hindi matumbasan ang kaligayahang kaniyang nararamdaman at abot langit ang kaniyang pasasalamat sa piling ng kaniyang bagong foreigner boyfriend.

“Love is in the air”, talaga base sa mga larawang iyong makikita na kaniyang ibinahagi sa Instagram account kasama ang kaniyang foreigner boyfriend.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

Ang mga larawang na i-post ay may kalakip na kapsyon, ilan lamang dito ang “Sinasagot ng Diyos ang iyong mga panalangin ayon sa kaniyang kalooban, at tamang panahon”. Ayon pa sa aktres ay muli siyang nasasabik para sa panibagong yugto ng buhay na kaniyang tatahakin.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

Saad din niya na huwag kalilimutang tumayo sa sariling paa, harapin ang hamon ng buhay at lumaban muli. Dagdag pa ng aktres na talagang magkakaintindihan at magkakasundo sila ng kaniyang foreigner boyfriend gayong pareho silang may anak.


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram


Photo Courtesy: Michelle Madrigal | Instagram

Maliban sa kaniyang masaya at namumulaklak na buhay pag-ibig, maayos naman ang relasyon nila ni Troy na kasama niya parin sa paggabay at pag-aalaga sa kanilang nag-iisang anak na si Anika.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *