Minsan sa dami-dami ng nais mong gawin sa buhay, hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo. Halimbawa na lamang nito ang makapag-travel sa mga lugar na nais mong puntahan upang makapag-relax at magkaroon ng mga bagay na matagal mo ng ninanais.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Ngunit ang matinding katanungang bumabagabag sa iyong isipan ay kung kaya mo bang gawin? Saan ka kukuha ng perang gagastusin? Sabi nga ng mga matatanda, lakas ng loob ang kailangan sa bawat hakbang na gagawin mo sa buhay. Paano mo makikita at masusulusyonan ang sagot sa tanong na, “what if” kung hindi mo naman sinubukan.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Kailangang may layunin ka sa bawat hakbang na iyong tinatahak. Maghanap ka ng determinasyon at lakas ng loob upang maabot mo ang iyong mga layunin. Katulad na lamang ng aktres na si Neri Miranda.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Isa sa kaniyang mga layunin ay ang makabili ng ari-arian. Kaya naman, dahil sa kaniyang pagiging isang wais at masinop na asawa ay nakabili siya ng lupa sa Cebu kung saan patatayuan nila ito ng kaniyang asawang si Chito Miranda nang isang rest house.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Abot langit ang pasasalamat ni Neri sa Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa kanilang pamilya. Ayon kay Neri, ang sikreto kung bakit nabili nila ang nasabing lupa ay dahil sa kaniyang naging kaalaman sa pagnenegosyo at pagbu-budget ng pera.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng isang goal o layunin sa buhay ang siyang huhubog sayo upang makamit mo ang lahat ng naisin mo. Ito ang siyang magiging inspirasyon mo sa buhay upang mas lalo mo pang pag-iigihan ang pagtatrabaho.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Saad pa ng aktres na tanging lakas lang ng kalooban at kakapalan ng mukha ang kaniyang sandata pagdating sa pagnenegosyo. Ayon din sa aktres na ang kaniyang asawang si Chito ang kaniyang naging number one supporter at taga-critic.
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Photo Courtesy: Neri Naig | Instagram
Paalala naman ni Neri para sa mga taong gustong maging matagumpay sa negosyo, magkaroon ng dedikasyon sa trabaho. Samahan ng sipag at tiyaga ang lahat ng ginagawa. Huwag kalilimutang mag-ipon at higit sa lahat mag-invest. Ang panghuli, taratuhing kapamilya ang taong kasama mo sa pagnenegosyo.