Ikinasal na ang dating aktres na si Donita Rose kay Felson Palad na ginanap sa California

Ang kasal ang isa sa mga pinakamasaya at hindi malilimutang pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ay dahil natagpuan mo na ang taong kukumpleto sa iyong buhay at ang Panginoong Diyos ang pundasyon ng inyong matatag na pagmamahalan. Sa mga ganitong pangyayari sa iyong buhay, hindi lamang ikaw at iyong pamilya ang masaya, gayundin ang mga taong nasa paligid mo at nagmamahal sayo.


Photo Courtesy: Donita Rose | Instagram





Photo Courtesy: Donita Rose | Instagram

Tulad na lamang ng isa sa mga hinahangaang aktres, host and VJ na si Donita Rose na ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Bata palang si Donita Rose ay talaga namang nasubaybayan na natin ang kaniyang angkin talento sa pag-arte, nahasa ng panahon kaya lalong nabiyayaan ng angking galing sa pagiging host at VJ. Marami siyang napahanga hindi lamang sa kanyang galing kundi pati na din sa kanyang kagandahan.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram




Nasubaybayan din natin ang kanyang personal life hanggang siya ay ikinasal kay Eric Villarama at magbunga ang kanilang pagmamahalan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Napabalitang nagtungo sa Amerika ang aktres kasama ang kanyang anak na JP nitong nakaraang taon. Malayo man siya sa Pilipinas ay nasusubaybayan pa din natin siya sa pamamagitan ng social media.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Ikinatuwa at ikinagulat naman ng mga netizens nang ipinakilala niya ang kanyang nobyo na si Felson Palad noong Mayo, 2022.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Ngayon lamang Septyembre ay nagbahagi ang aktres ng mga larawan na kung saan ikinakasal na sila ni Felson. Kitang-kita sa mukha ng dalawa ang walang kapantay na saya na talaga namang makikita at mararamdaman mo sa mga larawan ang kanilang mainit na pagmamahalan.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Marami sa mga kaibigan at dating katrabaho tulad nina KC Concepcion, Krista Ranillo, Janno Gibbs at Gelli De Belen ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa bagong mag-asawa.


Photo Courtesy: Felson Palad | Instagram

Samantala, pabiro namang bumanat ang asawa ng aktres na si Felson sa kanyang social media. Saad niya na matapos ang 37 taon ay hindi na umano siya virgin.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *