Maraming mga nakakagulat na balita ang bumungad agad sa atin sa pagpasok ng taong 2022. Karamihan sa mga balita na ito ay nagdala sa atin ng saya at kalungkutan. Hindi talaga natin masabi kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap lalo na sa mga iniidolo nating artista maging ito man ay magkasintahan o mag-asawa.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Sa kabila ng mga kontrobersyang kinaharap ng ating mga paboritong artista lalong-lalo na pagdating sa kanilang buhay pag-ibig ay minabuti na lang din nilang mag move forward upang iwanan ang mapait na karanasan. Tulad na lamang sa nangyari sa dating mag-asawa na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Nitong taon ding ito ay naging matunog sa publiko sina Tom at Carla dahil sa kontrobersyang binabato sa kanilang pagsasama. Ang mga kaganapang ito ay ikinagulat ng mga netizens dahil kung ating natatandaan ay noong Oktubre 23, 2021 lamang sila ikinasal.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Hati ang naging reaksyon ng mga netizens sa mabilis na pangyayari. Gayunpaman, bilang kanilang masugid na tagahanga ay atin na lang igalang ang kanilang mga naging desisyon. Alam naman natin na sa huli ay pareho silang makakatagpo ng kaligayahan.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Makalipas ang ilang buwan ay hindi na masyadong aktibo ang aktor sa kanyang social media account. Dahil ito ay nagtungo muna sa Amerika para makasama ang kanyang pamilya.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Kamakailan lamang ay laking gulat at tuwa ng kanyang mga tagahanga nang magpost ito ng isang larawan. Makikita naman sa larawan na masaya ang aktor sa kanyang pananatili sa Amerika at muling naging aktibo ito sa pagsagot sa mga komento ng kanyang mga tagahanga.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Makikita din sa kanyang social media stories ang mga larawan na kung saan kasama niya ang kanyang mga pamangkin sa isang road trip. May kalakip na lyrics ang mga ibinahagi niya sa kanyang stories na galing sa kantang “I Can See Clearly Now” ni Jimmy Cliff.
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Photo Courtesy: Tom Rodriguez | Instagram
Kasalukuyang wala pa ding balita kung kailan balak ng aktor bumalik sa Pilipinas. Napag-alaman din na mayroon pa itong naiwan na kontrata sa pinagtatrabahuan niyang network. Nagpapasalamat pa rin ang aktor na sa kabila ng lahat ay may nakakaintindi parin sa kaniya.