Ibinahagi ni Lovi Poe na magkaschoolmate sila ni JC De Vera noong highschool at isang heartthrob ito noon sa kanilang paaralan

Maraming mga ala-ala ang nabuo noong high school life natin na talaga namang hindi natin malilimutan. Minsan ay bigla na lang natin itong maaalala na siyang nagbibigay ngiti sa ating mga labi.


Photo Courtesy: Lovi Poe | Instagram




Sabi nila, ang high school life ang pinaka the best, kasi dito natin unang naranasan ang magkaroon ng tinatawag na puppy love. Mayroon din tayong tinaguriang mga heartthrobs na kung saan usap-usapan sila dahil sa taglay nilang mga katangian, tulad ng kagwapuhan, kagandahan, katalinuhan o kaya may kakaiba silang talento.


Photo Courtesy: Lovi Poe | Instagram

Nakakatuwa din na malaman na pati ang mga kilala at hinahangaan nating mga artista ay naging heartthrob din noong High School sila. Ibinahagi ni Lovi Poe na noong kabataan ng aktor na si JC De Vera ay heartthrob na ito ng kanilang paaralan.


Photo Courtesy: Lovi Poe | Instagram

Sa isang teleserye na ating mapanunuod na pinamagatang “Flower of Evil” na isang adaptation ay magkasamang gumanap ang dalawang napakagaling at kilalang artista na sina Jc De Vera at Lovi Poe.


Photo Courtesy: Lovi Poe | Instagram

Kilala sila dahil sa kanilang husay sa pag-arte samahan mo pa ng kanilang nakamamanghang kagandahan at kagwapuhan. Sino nga ba naman ang hindi mahuhumaling sa dalawang ito.


Photo Courtesy: Lovi Poe | Instagram




Sa kabila ng kanilang kasikatan ay napag-alaman na ang dalawa ay parehong pumasok at nagtapos sa Colegio San Agustin. Kung kaya nagulat na lamang ang mga netizens nang magbahagi ang aktres sa kanyang social media account na si JC De Vera ay isang Super High School Heartthrob.


Photo Courtesy: JC De Vera | Instagram

Sa panahon na ito ang aktres ay freshman samantala ang aktor naman ay nasa huling taon na niya sa high school. Nagagalak din umano ang aktres dahil magkasama sila sa isang programa bilang isang mga detectives sa “Flower of Evil”.


Photo Courtesy: JC De Vera | Instagram

Sa larawang na i-post kung saan ay makikitang magkasama ang dalawa na naka-wacky pose at ay may kalakip na kapsyon #csaforever. Hindi naman nagpahuli ang aktor at nagkomento din ito ng #csaforever.


Photo Courtesy: JC De Vera | Instagram


Photo Courtesy: JC De Vera | Instagram

Si Lourdes Virginia Moran Poe ay anak ng yumao at tinagurian “Da King of the Philippine Cinema” na si Fernando Poe Jr. Ang ina naman niya ay si Rowena Moran na dating aktres at nakilala sa pelikulang “Isang Dakot na Bigas” noong 1957.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *