Mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, suportado ang pag-aartista ng kanilang anak na si Tali

Alam naman nating hindi madali ang responsibilidad na nakaatang sa pagiging isang magulang. Pero para sa kanila, handa nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyang pansin at gabay ang kanilang mga anak.

Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram




Para sa isang magulang, ang mga anak ang pinakamahalagang kayamanan nila. Kaya naman handa nilang ibigay ang ano mang naisin ng mga ito na kung saan humahantong pa na halos wala ng itira para sa kanilang mga sarili maibigay lang ang ikaliligaya ng kanilang mga anak.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Sinusuportahan ang mga anak sa kung ano ang nais gawin at tatahakin sa buhay kung sa tingin nila na ito ay para sa kanilang ikabubuti at ikasasaya.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Katulad na lamang ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang unica hija na si Tali. Sa murang edad ay nais ng pasukin ni Tali ang mundo ng showbiz na siya namang pinaburan ng kaniyang mga magulang.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram




Para sa inang si Pauleen, hindi niya na maawat ang gusto ni Tali na mag-artista na siyang ikinasasaya ng kaniyang anak. Dagdag pa niya na talagang nasa dugo ni Tali ang pag-aartista at susundan ang yapak nilang mag-asawa.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Saad pa nito na namana ni Tali sa kaniya ang galing nito sa pag-awit at maging sa pag-arte. Ngunit ang pagiging komedyante naman ay hindi niya maitatanggi na namana sa kaniyang asawang si Vic Sotto dahil sa husay nitong magpatawa sa likod ng camera.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Saad pa niya na ano man ang gustong gawin ng kanilang anak ay susuportahan nila ito. Ang mahalaga ay nakikita nilang masaya at nag-eenjoy ang kanilang anak.


Photo Courtesy: Pauleen Luna | Instagram

Unang matutunghayan ang galing sa pag-arte ni Tali sa isang bagong show na pinamagatang “Love, Bosleng and Tali”, kung saan ay makakasama niya mismo ang kaniyang magulang na sina Vic at Pauleen sa nasabing show at ito ay maihahalintulad sa “Magpakailanman” at “Maalaala Mo Kaya.”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *