Masayang ibinahagi ng napakagandang aktres na si Pamu Pamorada na siya ay engaged na sa kaniyang nobyong chef

Saan mang lugar, ano man ang panahon, may bagyo man o wala hindi magpapatinag at magpapaawat ang dalawang pusong nag-iibigan dahil pagmamahal ang siyang laging mangingibabaw. Marami nang nasaksihan ang mga netizens na ganitong ganap sa buhay ng kanilang mga hinahangaang artista.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram




Tulad na lamang sa nangyari kay Pamu Pamorada na dating “Pinoy Big Brother: Unlimited Second Big Placer”. Hindi na iba sa atin si Pamu dahil sa kanyang husay at galing na ipinakita sa PBB. Maraming mga tagasubaybay ang napaibig sa kanya at sumuporta hanggang sa katapusan ng PBB.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Magpahanggang ngayon ay patuloy pa din ang kanilang suporta lalo na kasama siya sa isang programa na pinamagatang “2 good 2 be true”. Dito ay patuloy niyang ipinapakita ang kanyang angking talento pagdating sa pag-arte.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Nito lamang nagdaang araw ay nagulat na lamang ang kanyang mga tagahanga dahil sa isang nakakatuwang balita. Si Pamu Pamorada ay engage na sa kanyang nobyo na isang chef.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Ibinahagi niya ang masayang kaganapan na ito sa kanyang social media account. Marami sa kanyang mga katrabaho ang nagpahatid nang kanilang pagbati. Ngunit marami ang hindi inaakala na mangyayari ang proposal na ito sa araw mismo kung saan rumaragasa ang malakas na panahon.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram





Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Maliban sa litrato na ibinahagi ng aktres ay mapapanuod din sa kanyang social media story ang mismong video nang pagluhod ng kanyang nobyo sa kanyang harapan. May kasama pa itong nakatutuwang kapsyon na nagsasabing sasabay lamang sila sa bagyo.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Ang kanyang nobyo naman na si Mitchel ay hindi din nagpahuling ibahagi sa kaniyang social media account ang isa sa mga masasayang pangyayari naganap sa kaniyang buhay.


Photo Courtesy: Pamu Pamorada | Instagram

Mapapanood ang isang bidyo na tila maluha-luha si Mitchel habang nagpo-propose siya kay Pamu. Kasabay ng bidyo na ito ay isang maiksing kapsyon na nagsasabi na sila ay opisyal nang engage. Dito mo masasabi na totoong nangyayari ang katagang “love always wins”.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *